May 22, 2025
John Arcenas on portraying April Boy: ‘Parang sinapian talaga ako’
Latest Articles

John Arcenas on portraying April Boy: ‘Parang sinapian talaga ako’

Nov 26, 2024

Matagumapy ang ginanap na premiere night ng Idol: The April Boy Regino Story last Friday, November 22, sa Grand Duchess Ballroom ng Great Eastern Hotel, Quezon City.

Tampok sa biopic na ito ni April Boy ang singer na si John Arcenas. Kasama niya sa pelikula ang kanyang leading lady na si Kate Yalung na ginampanan naman ang role ni Madelyn, ang asawa ni April Boy.

Maganda ang feedback sa pelikula, bukod sa maganda ang boses at bagay gumanap na April Boy si John, sila ni Kate ay parehong nagbigay ng magandang performance rito.

Aminado si John na mixed emotions ang kanyang naramdaman sa premiere night.

“Sobrang na-excite po ako at kinabahan,” wika ni John.

Nabanggit din niya ang ginawang paghahanda para sa pelikulang ito.

Aniya, “Bago po ako kasi pumasok sa set, talagang gusto ko ay nasa akin si April Boy, kinakailangan na ang makikita nila ay si April Boy, at hindi nila makikita si JohnArcenas.”

May isang eksenang hindi raw malilimutan si John, na animo sumapi sa kanyang katawan si April Boy.

Kuwento ni John, “May eksena po na kinunan sa bahay nila mismo, sa kuwarto nila (April Boy). Sa eksenang iyon ay ginamit ko po yung totoong polo ni Sir April Boy, pinasuot sa akin ni Tita Madelyn… Iyon po ang masasabi ko na parang sinapian talaga po ako (ni April Boy). Kasi, ay kinilabutan talaga ako at nang nag-action na, talagang ramdam na ramdam ko po si April Boy.”

Si April Boy ay sumikat noong 1990 at sumakabilang-buhay noong 2020, sa edad na 59 dahil sa sakit na Acute Respiratory Disease- Kidney Disease stage 5.

Kabilang sa mga kantang pinasikat niya ang “Paano ang Puso Ko,” “Umiiyak ang Puso Ko’t Sumisigaw,” “Sanaý Laging Makapiling,” “‘Di Ko Kayang Tanggapin” at iba pa.

Tampok din sa pelikula sina Dindo Arroyo, Tanya Gomez, Rey “PJ” Abellana, Irene Celebre, Aileen Papin, Imelda Papin, Mitoy Yonting, Whitney Tyson.

Part din ng cast sina Hero Bautista bilang recording executive na si Tony Ocampo at John Nite as German Moreno. May special participation din dito ang multi-awarded songwriter at hitmaker na si Vehnee Saturno.

Ang mga kapatid ni April Boy na sina Vingo and Jimmy ay kasama rin sa pelikula. Ang batang April Boy naman ay ginampanan ni Jaodencio Llanto.

Ang Idol: The April Boy Regino Story ay mula sa direksiyon ni Efren Reyes at hatid ng Water Plus Productions ni Ms. Marynette Gamboa.

Ito ay mapapanood na sa mga piling sinehan simula sa Nobyembre 27.

Leave a comment