May 22, 2025
Star For All Seasons Vilma Santos remains humble despite success in showbiz, politics
Latest Articles

Star For All Seasons Vilma Santos remains humble despite success in showbiz, politics

Dec 17, 2024

Kahit hindi ako naimbitahan sa lahat ng presscon ng sampung pelikulang kalahok sa 50th anniversary ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na mag-uumpisa sa araw ng Pasko (December 25), mukhang ang “Uninvited” ng Mentorque Productions in association with Project 8 Projects and distributed by Warner Bros. Pictures ang pinakaengrandeng media conference sa lahat.

Ganyan din ang sey ng mga kapatid namin sa panulat, na ginawa sa ballroom ng bago at bonggang Solaire North hotel in Quezon City.

Of course, grand entrance ang cast (Tirso Cruz III, Mylene Dizon, RK Bagatsing, Elijah Canlas, Gabby Padilla, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles, at Nonie Buencamino) sa pangunguna ng mga bidang sina Aga Muhlach, Nadine Lustre, at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto.

Tanging si Lotlot de Leon lang ang hindi nakarating, dahil sa prior commitment. 

S’yempre, present din ang writer na si Dodo Dayao, director nito na si Dan Villegas, at ang unti-unting nakikilalang producer at chief executive officer ng Mentorque Productions na si John Bryan Diamante.

For two consecutive years now ay may movie entry sa MMFF si Ate Vi. Last year, she had “When I Met You in Tokyo” opposite Christopher de Leon which was produced by my friend Rowena Angel-Jamaji and her business partner Rajan Gidwani for JG Productions kung saan itinanghal na Festival Best Actress ang Star for All Seasons, maging sa Manila International Film Festival o MIFF sa Amerika, at sa PMPC Star Awards for Movies.

Ngayon naman ay ang suspense thriller film nga na “Uninvited” na talagang kaabang-abang na mapanood at malaman ang buong kuwento at pangyayari, lalo pa ang mga kakaibang pag-atake nina Aga, Nadine, at Ate Vi sa kanilang mga karakter.

Balita ko ay magaling din sa kanyang pagganap si Gabby P, huh!

Sey ni Ate Vi nang tanungin ko s’ya nu’ng presscon kung mapapanood na ba namin s’ya palagi sa pelikula kada MMFF, nagkataon lang daw ulit na napasama muli ang kanyang ginawang movie this year.

Nakalimutan ko lang kakong itanong sa kanya nu’ng nagka-chat kaming dalawa kung handa na ba s’ya muling tumanggap ng parangal sa MMFF 2024 awards night for “Uninvited” dahil sa trailer pa lang ay walang-kupas pa rin sa husay sa pag-arte ang nag-iisang Star for All Seasons.

Kaya on that note, naniniwala ako, para sa akin lang, ha, baka kasi maraming mag-overreact d’yan, na deserving si Ate Vi na tanghaling National Artist base sa kanyang body of work simula nang maging artista s’ya bilang child actress magpa-hanggang ngayon.

Hindi naman siguro kailangan (palagi) na maging full-pledged singer ka rin, stage perfomer, at masama ang pelikula mo at manalo ka ng ilang best actress awards sa mga prestigious international film festivals para lang magawaran ka ng pinagpipitagan na National Artist award, ‘di ba? Lahat ba ng National Artist natin ay na-recognize abroad? Kung mali ako, eh, ‘di fine!

Si Ate Vi nga, naka-crossover into politics successfully at nakapagsilbi nang mabuti at tapat sa bayan ng Batangas ng ilang term. At kung kakayanin ng schedule n’ya bilang politiko at papayagan s’ya ng mga constituent n’ya ay nakakabalik sa pinagmulan n’ya sa paggawa ng mga dekalidad na pelikula. 

At sa totoo lang, nasaksihan ko na tunay na people-person si Ate Vi, dahil kahit sobrang daming tao na gusto s’yang makita at makapagpa-picture sa kanya, pinagbibigyan at niyayakap n’ya kesehodang sumama ang pakiramdam n’ya sa pagod at her age.

S’ya pa ang nagtatanggal ng mga kamay ng mga security na nakapalibot sa kanya, mapagbigyan lang ang mga tagahanga n’ya. Ang dahilan ni Ate Vi, minsan lang naman s’yang makita ng mga tao at para mapasaya n’ya, kahit paano, ipagkakait pa ba n’ya.

At kahit kami na lang ang magkakasama ay NEVER kong naringgan si Ate Vi ng bakit n’yo hinayaang makalapit sa akin at magpa-picture, at bakit ’di n’yo hinarang, tulad ng dialogue ng isang sikat na sikat na artista ngayon sa kanyang handler na may sikat na sikat ding serye.

Dumating din sa presscon ng “Uninvited” ang very supportive and beloved husband ni Ate Vi na si Department of Finance Secretary Ralph Recto at anak nilang si Ryan Christian.

Guess who? 

Sino ba itong aktor na happily married with beautiful children na mukhang very faithful naman sa napakaganda n’yang asawa na artista rin na may kalokohan din daw pa lang iniisip nu’ng minsang dumalo ito sa isang event abroad?!

May kasama raw ibang mga artista ang guwapong aktor sa ibang bansa nang malasing ito slight sa dinaluhan nilang okasyon.

Marahil dala nang kalasingan, nagpahiwatig daw ang aktor na bet n’ya diumano makatikim, hindi ng pulutan, kundi ng ibang babae nu’ng gabing iyon! At since, nasa abroad sila ng mga kasama n’yang artista, baka ibang putahe, este, ibang lahi naman siguro ang feel n’yang ma-chorva!

Naku! Ganyan kaya talaga ang atake ni pamilyadong aktor kapag may Ibang ganap s’ya out of the country ‘pag ‘di n’ya ka-join ang misis n’ya?! Matino pa naman ang image nito!

Leave a comment