May 22, 2025
Manolo Pedrosa, very grateful and honored to become part of Oh My G!
Latest Articles

Manolo Pedrosa, very grateful and honored to become part of Oh My G!

Jan 20, 2015

Antazo PSR pic

by Mary Rose G. Antazo

Manolo PedrosoUpcoming Kapamilya young star Manolo Pedrosa and a former Pinoy Big Brother Housemate (PBB) is very grateful sa takbo ng kanyang career ngayon. Hindi niya akalain na ganito ang mararating ng kanyang pangarap mula nang pasukin niya ang Bahay ni Kuya noong nakaraang taon. Sunud-sunod ang projects niyang natatanggap and biggest break niya so far ay ang pagkakasama niya sa pinakabagong serye ng ABS-CBN na Oh My G! na pinagbibidahan nina Janella Salvador at Marlo Mortel.

“It’s really an honor for me na makasama sa main cast ng Oh My G!, I am so happy dahil sa rami ng teenagers na artista ay isa ako sa napili. Ipinapangako ko nga sa ABS-CBN na pagbubutihan kong mabuti ang pag-arte ko para hindi ako mapahiya sa kanila,” sey ng chinito at super cutie na si Manolo nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa presscon ng Oh My G! recently.

Super proud din daw siya sa project na ito dahil napapanahon ito at alam niyang marami silang mata-touch na buhay especially sa mga kabataan na tulad niya. Ang Oh My G! ay isang naiibang ‘love story’ na swak at napapanahon para sa mga kabataang Pinoy. Ang pinakabagong feel-good drama series na ito ay magtuturo ng kahalagahan ng pananalig sa Diyos.

Sa serye ay love triangle sila nina Janella at Marlo kaya tanong namin sa bagets ay hindi kaya magkaroon ng competition sa kanila ni Marlo at baka magalit sa kanya ang fans ng dalawa.

“Ay wala naman po siguro, and if ever friendly competion ang mangyayari and it’s really for the show only. Nothing personal ‘coz we are good friends naman. We hang out. I don’t think may sapawang mangyayari and I’m sure maiintindihan ito ng mga fans,” pahayag pa ni Manolo.

66mck0Bago ang seryeng ito ay nagkaroon din ng break ang bagets sa seryeng Hawak Kamay at nang mag-guest ito sa Maalaala Mo Kaya katambal si Janella at hinahasa pang lalo ang kanyang acting through workshops. Mayroon na rin siyang ginagawang independent movie ang Stars Versus Me na hango sa librong isinulat ni Direk Joven Tan mula sa Mindmaster Publishing at makakatambal niya si Maris Racal.

“This is another blessing for me, sa amin ni Maris. Actually, sobrang happy ko nang malamang gagawin naming ang movie na ito and super thankful ako sa suporta ng mga taong nagtitiwala sa kakayahan ko pati na rin sa mga fans na all out ang support sa showbiz career ko,” sey pa ng bagets.

Meanwhile, since first time niya makatrabaho sa serye si Janella, kamusta naman ang kanilang working relationship and how do you find her?

“When we worked together sa MMK ay sobrang I found her super mabait. Kasi she was very patient with me. Kasi baguhan lang ako, so, mayroong times sa set na sobrang tagal ko pa bago mag-take. So she waits for me talaga, and I found her very patient and very nice with me po,” kuwento ni Manolo.

Biro pa namin sa bagets, baka ma-develop ang feelings niya kay Janella dahil matagal silang magkakasama sa serye. Pag-amin ni Manolo, “Ako kasi po, it takes a really long time before ma-develop ako sa isang girl. So siguro po, let’s find out po. Anything’s possible naman po talaga. It just takes time.”

Sa personal side naman ni Manolo, high school student ito from La Salle Green Hills but unfortunately nag-stop muna sa pag-aaral to give way sa kanyang career pero promise niya sa kanyang sarili at sa mga magulang ay tatapusin niya ang kanyang pag-aaral kahit anong mangyari.

Best advice naman na nakuha niya ay galing sa kanyang Mommy na “you always do your best pagdating sa work and always keep your feet on the ground.”

Ayaw daw niyang lumaki ang ulo niya porke’t unti-unti na siyang nakikilala. Tatanawin daw niyang malaking utang na loob ang kanyang pagsikat sa mga fans na sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

Follow me…

social networkingMary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/ballot9

Leave a comment

Leave a Reply