
‘Fatherland’ lead stars Allen Dizon, Inigo Pascual thank Joel Lamangan
Pinasalamatan nina Allen Dizon at Inigo Pascual si direk Joel Lamangan sa pag-alalay sa kanila sa pelikulang ‘Fatherland.’
Sina Allen at Inigo ang tampok sa pelikulang ito na pinamahalaan ng batikang si direk Joel.
Gumaganap si Inigo sa ‘Fatherland’ bilang anak ni Allen na nawalay sa kanya noong bata pa lamang ito. Kaya noong naging matured na ay napagpasyahan ni Inigo na hanapin ang kanyang ama sa Pilipinas, buhay man ito o patay na.
Si Allen naman ay may tatlong katauhan dahil may multiple personality disorder dito ang award-winning actor.
Kuwento niya, “Ang role ko rito mayroon akong multiple personality disorder, ‘yung last part ng movie, naging bakla ako.”
Dagdag pa ni Allen, “Of course, very challenging ang role ko rito, alam ni direk Joel na nahirapan ako sa role na bakla rito. Pero sa support ni direk Joel ay nagampanan ko naman nang maayos ang role ko rito.
“Lalo na ako, tatlo iyong personality ko sa movie… so iyon, medyo nahirap pero dahil kay direk Joel, naging mas magaan ang trabaho para sa aming lahat.”
Ayon naman kay Inigo. “It’s an honor to be here, I can’t believe this is happening. I’d like to thank my family, my friends, the media… my castmates, maraming-maraming salamat po.
“Si direk Joel talaga ang nag-push sa akin na ibigay ang lahat. Ibigay ang lahat ng emotions na kailangan kong ibigay, kung saan ako nanggaling… ano iyong pinanggalingan ng character ko.”
Aniya pa, “Nagpapasalamat ako sa lahat ng nandito ngayong gabi… salamat of course sa producer namin na si Sir Benjie at kay direk Joel. Salamat sa opportunity na ibinigay nyo para sa akin at sana ay hindi po ito ang huli na magkakatrabaho po tayo, maraming salamat po.”
Anyway, punong-puno ang Cinema 11 sa Gateway Mall, Quezon City sa ginanap na screening last Tuesday. Star-studded ang naturang screening na dinaluhan ni Piolo Pascual, bilang pagsuporta sa kanyang anak, pati na ang Concert Queen na si Pops Fernandez at sina Darren Espanto, Elizabeth Oropesa, Jackie Lou Blanco, Louie Ignacio, at marami pang iba.
Isinulat ni Roy Iglesias, tampok din sa Fatherland ang mga de-kalibreng artistang gaya nina Cherry Pie Picache, Angel Aquino, Richard Yap, Mercedes Cabral, Jim Pebanco, at Max Eigenmann.
Kasama rin sina Rico Barrera, Abed Green, Kazel Kinouchi, at showbiz royalty na sina Ara Davao at Bo Bautista.

Ang Fatherland ay prodyus ng Bentria Productions ni Engr. Benjie Austria at ng Heavens Best Entertainment ni Harlene Bautista.
Palabas na ngayon sa inyong mga paboritong sinehan ang Fatherland.