May 22, 2025
Cucay, an entrepreneur-musician launches album, “Cucay: Music, Lyrics and Longing”
Latest Articles Music

Cucay, an entrepreneur-musician launches album, “Cucay: Music, Lyrics and Longing”

Jan 21, 2015

by Roldan Castro

Catchy ang pangalang Cucay sa music industry. Sosyal ang dating na pang-masa at madaling tandaan.

“Cucay Golden Goose Slide High Top Sneakers po kasi talaga ‘yung nickname ko. Francesca Rosella Pagdilao ang real name . Pero lahat po ng friends ko, Cucay po ang tawag sa akin,” bungad niya nang makatsikahan ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph) sa kanyang album launching sa Mike’s Sports Bar, Bonifacio Global City.

Bawat kanta ni Cucay sa kanyang album ay may istorya ng buhay niya kaya wala raw siyang masabing pinakapaborito . Siya ang nagsulat lahat nun?

Ano ang pinanggagalingan ng carrier single niyang “Nala (Ikaw Pa Rin)”, kanino?

“Actually, ‘yung story naman po ng mga songs puwedeng ‘yung part nun istorya ng buhay ko, puwedeng istorya ng kahit sino man pong nakikinig. Siyempre, bawat naman isang tao sa tingin ko ay may sinusulat sila tungkol talaga sa sarili nilang experience, may touch pa rin ng sarili nilang kuwento dun. Ikaw pa rin po ay puwedeng masabing para po ‘yun sa isang tao pero walang concrete kung sino po. Parang po sa mga tao na… para pong inilalagay natin sa pedestal, sa buhay natin kahit na wala na sila…sila pa rin,” paliwanag niya.

So, sino ang inilalagay niya sa pedestal?

“Ngayon po? No relation to that song po. Ngayon sinusubukan ko ang Diyos na dapat siya ang nasa pedestal ng buhay ko ngayon,” safe niyang sagot.

Ayaw masyadong i-highlight ni Cucay ang personal life niya kaya hindi namin mahalungkat ang tungkol sa kanyang lovelife.

Dahil binanggit niya ang Diyos, kung gagawa siya ng kanta kay Pope Francis, anong klaseng kanta ang gagawin niya?

“Gagawa po ako ng kanta tungkol sa pagbubuklod-buklod, pagbibigkis ng sambayanan. Kasi, siya po talaga ‘yung Pope na kahit magkakaiba ng religion, parang nase-sense natin ‘yung equality. I think siya po ang Pope para sa pagbibigkis ng sambayanan,” bulalas ni Cucay.

Sinong singer naman ang gusto niyang bigyan ng kanta para mag-interpret?

“Sa ngayon po, wala akong maiisip. Gusto ko po ako ang nagi-interpret ng songs ko. Kasi po ‘pag ikaw ang sumulat, mas nai-interpret mo,” tugon niya.

Ang kinalakihan talaga ni Cucay ay classical at broadway musical. Dun siya nagsimula kaya bet niya si Alanis Morissette. Sa local gusto niya sina Lea Salonga, Barbie Almalbis at Cynthia Alexander

‘Pag nagkaroon siya ng malaking concert, sino ang gusto niyang i-guest?

“Siyempre po ‘yung mga tipo nina Dulce, Lea Salonga, Bamboo, Rico Blanco, Barbie Almalbis, Ely Buendia, Eby Dancel , Sugarfree, Gloc 9,” tugon ng baguhang recording artist.

Isang taon at kalahati nu’ng magsimulang mag-record si Cucay sa kanyang album. Independent ito sa ngayon pero available ito at puwedeng i-download sa iTunes, Amazon.

Bakit ngayon lang nya ini-release?

“Oo nga po, kasi po nag-focus din ako sa ibang aspects ng life ko. May mina-manage po kasi akong events place sa Tagaytay (Le Jardin Rosella na nagsimulang family rest house nila nu’ng 1994), so medyo bina-balance ko po ‘yung sa business and my music. Tapos po, nag-classical piano rin po ako, so bina-balance ko lahat. Pero nu’ng magkaroon ako ng time para tapusin ang album, hayun tinapos ko na at dire-diretso na,” tugon niya.

Ang mga kantang napapaloob sa album na ‘Cucay: Music, Lyrics and Longing’ ay “Sabihin Mo Na,” “Bankrupt,” Habulan,” “Times Are Changing,” “Iibig Muli,” “Free,” “Die For You,” August,” “Nala (Ikaw Pa Rin),” “Don’t Cry,” “ Regrets”.

Very supportive naman ang parents ni Cucay na sina Cong. Gov. Sammy Pagdilao of District 3780 at Chay Pagdilaon sa kanyang singing career.

“Mga lovers din kasi sila ng music,” sambit niya.

Mas musical daw ang side ng daddy niya but ‘yung side ng mommy niya ay mahilig ding kumanta. Sumasabay din ‘pag nagkakantahan.

Mahirap bang maging father ang isang general?

“Hindi naman po. Hindi ko naman nakikita ‘yung sinasabi ng mga tao na stereotype na strict ganyan. Hindi naman po. At saka, talagang sinusuportahan niya ‘yung mga pangarap namin,” deklara pa niya.

Follow me…

Leave a comment