May 23, 2025
Regine Velasquez point-blankly says, “There is no competition among the four of us. So far, it’s running very smoothly.”
Latest Articles

Regine Velasquez point-blankly says, “There is no competition among the four of us. So far, it’s running very smoothly.”

Jan 21, 2015

roldan@castro

by Roldan Castro

Concert copy Inaabangan kung pare-pareho mabibigyan ng standing ovation ang pagsasama nina Martin Nievera, Regine Velasquez, Lani Misalucha at Gary Valenciano sa ‘Ultimate’ concert na gaganapin sa February 13 at 14 sa MOA Arena. Intimidating kasi na nagsama ang apat kaya level up daw ang puwedeng gawin sa performance.

Tahasang sinabi naman ni Regine na walang kumpetisyon sa kanilang apat para sa ‘Ultimate’ concert. Gagawin daw nila ang best nila.

“Baka iisipin ng iba, gaya sa amin ni Lani pareho kaming belter, magkapareho kami ng timbre, baka people might think na baka magsabunutan na lang kami dun. We make sure na pag nakita n’yo ‘yung show, may reason ‘pag ginawa namin ‘yung concert,” deklara niya sa Philippine Showbiz Republic (psr.ph).

“Kasi parang the four of us, we’ve been in the business for such a long time na wala nang competition. And the four of us are also older so hindi na ‘yung kagaya before. Kaya so far it’s running very smoothly. Kasi ‘yung pinakamahirap usually, ‘yung paggawa ng repertoire, ‘yung schedules of course, and even the talent fee, pero ngayon kasi parang we’re just really excited for this project,” dagdag pa niya.

Tinanong din si Regine kung naging threat ba sa singing career niya si Lani dahil dumating ‘yung time na lumaban din ito at nagpakitang gilas sa music industry.

“No,” mabilis niyang sagot.

“Actually, hanggang ngayon naman, ang daming dumadating na bagong singers and they will always compare them to me. I’m always being asked that question, hindi ba sila threat sa akin.

“Parang hindi kasi magkapareho kami (ni Lani), halos pareho ‘yung songs na kinakanta namin pero actually, magkaiba pa rin kami. We have different styles, magkaiba ‘yung audience namin, kasi ‘yung mga gusto ako, not necessarily nanonood ng concert niya and vice versa, ‘yung mga nanonood sa kanya, hindi necessarily nanonood ng concert ko. So, may kanya-kanya kaming followers.

“Kaya nga exciting ‘tong Ultimate, eh, kasi halu-halo na kasi ‘yung mga followers namin, hopefully lahat sila pupunta doon plus ‘yung mga concert-goers na hindi naman fans,” bulalas ni Regine.

Aminado si Songbird na talagang gustong-gusto niya ang boses ni Lani at aminado naman siyang may mga ginagawa ito na hindi niya kayang gawin.

“Marami siyang ginagawang talagang hindi ko kayang gawin, like nago-opera siya, hindi ko naman ‘yun kaya, pumipito siya, hindi ko ‘yun kaya, but like I’ve said, magkaiba naman talaga kami, eh. Tanggap ko ‘yun, hindi ako nai-insecure kasi God gave me this talent at ito ‘yung para sa akin at ito naman, ibinigay kay Lani, ito ‘yung para sa kanya. So no need for me to feel insecure, I think,” sambit pa niya.

Producers din ba sila sa concert na ito?

“Mga bayaran lang kami,” diretsong sagot ni Regine.

May mga nagtatanong din kung bakit hindi sa Philippine Arena gaganapin ang pagsama-sama nilang apat sa isang Valentine concert?

Ayon kay Regine, darating din ang time na masasanay ang tao na magiging concert venue ang Philippine Arena. Sa ngayon, nandoon pa ‘yung medyo nalalayuan sila. “Nu’ng nagsisimula rin ang MOA Arena, parang nahihirapan silang pumunta pero ngayon ay parang nalalapitan na sila,” sambit pa ni Regine.

Anyway, naunahan pa siya ng asawa niyang si Ogie Alcasid na nakatakdang magkaroon ng post Valentine concert sa February 21 na kung saan ay guests sina Michael V., Verni Varga, Hajji Alejandro at Jett Pangan.

Ang ‘Ultimate’ ay produced ng Star Media Entertainment ni Anna Puno and I-Music Entertainment ni Cacai Mitra. Tickets are available at SM Ticket outlets (www.smtickets.com) and on Star Media Entertainment (www.starmediaentertainment.com).

Follow me…

social networkingRoldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro

Leave a comment

Leave a Reply