
Zsa Zsa supports auction of Dolphy properties
by Mary Rose G. Antazo
Inamin ni Zsa Zsa Padilla na full support siya sa pagbebenta ng daang-milyong real estate properties ng yumao niyang partner na si Dolphy pero wala raw siyang alam sa actual value ng ari-arian pero sigurado siyang dumoble na ang halaga nito from the time na na-acquire ito ni Dolphy.
Ilan sa mga properties na ito ay nasa Cavite, Batangas, Rizal, Bulacan, Laguna at Samar na magsisimulang i-auction mula January 31 para makapag-raise ng pondo para sa pinaplanong museum honoring the late comedian. Part of the proceeds will also benefit the Dolphy Aid Para Sa Pinoy Foundation.
“The auction will allow all heirs to have a chance to get some finances. It’s time na magkaroon na (sila) ng kanya-kanyang negosyo. At ’yung foundation, buhay pa,” pahayag ni Zsa Zsa.
Binigyang linaw din niya na hindi kasama sa ipapa-auction sa January 31 ang bahay na iniwan ni Dolphy sa kanila ni Nicole at Zia.
“Kasi, the place is still developing. Sayang at saka walang nagbebenta roon, Marina lang.”
Dagdag pa niya, hindi nila ito ibebenta “as long as we can run it.”
Tungkol naman sa ‘chateau’ o bahay bakasyunan sa Batangas na iniwan sa kanila ni Dolphy, hindi rin daw nila ito ibinebenta.
“Chateau ba talaga, hindi barong-barong?”
Pagkaklaro pa nito, “It’s on top of a hill. My girls and I Iike that, we share everything equally.”
“By God’s grace, we don’t need to sell yet. It’s just there. We don’t know in the future,” pahayag pa ng Divine Diva.
Samantala, Zsa-Zsa has always been open to the public when it comes to her relationship with her boyfriend, businessman and Architect Conrad Onglao. Sa kanyang Instagram account ay panay ang post niya ng masasayang pictures nila ng kanyang partner kaya ang tanong ng marami ay kung may plano na ba silang magpakasal ngayong taong ito.
“This year? Hindi. Mga 2017 or 2018 pero tingnan ko kung papayag ’yung parents ko, wala pang venue” birong sagot pa ng aktres.
Tungkol naman sa engagement nila ni Conrad, ayaw daw niyang i-pressure ang kanyang partner sa bagay na ito.
“He shouldn’t be pressured. People just want a happy ending for me.
“Siyempre, with everything they’ve witnessed that I’ve gone through, gusto naman nila na malagay sa tahimik.
“I think I’ve proven myself to be an independent person also. I have the capacity naman and, by God’s grace, I always have work naman.
“So, kung lalagay sa tahimik, I don’t know if it’s for a sense of security.”
And if ever daw na ipag-adya ni God na magsama na nga silang habangbuhay ay wala siyang nakikitang problema dito.
“We’re both single. It’s just that in our tradition, we wait for the guy to propose to us unless I want to propose. I don’t know when the right time is,” sey pa ng singer-actress.
Pero inamin ni Zsa Zsa na bagama’t wala pa silang wedding plans ni Conrad, magkasama na raw sila sa iisang bubong ngayon ng kanyang partner.
“When you love a person, you can be with that person no matter what. Pareho lang ang responsibility. I’ll just stay true to myself,” sey pa ng Divine Diva.
Ang pinaghahandaan nga raw niya ngayon ay pagiging Lola sa kanyang magiging apo kina Karylle at asawang si Yael Yuzon pero as of now ay hindi pa naman daw buntis ang kanyang anak na si Karylle.
Follow me…
Mary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/ballot9