May 22, 2025
John Prats announces wedding on May
Latest Articles Showbiz World

John Prats announces wedding on May

Jan 23, 2015

 

mildre@bacud

by Mildred Amistad Bacud

johnisabel2 copyPagkatapos ng pinag-usapang bonggang proposal ni John Prats last September sa girlfriend na si Isabel Oli, didiretso na nga ng kasalan ang dalawa. Inanunsyo na ng aktor na sa Mayo na ang wedding at sa farm ng mga Prats magaganap ito. Nagpasukat na rin ng wedding gown si Isabel na gagawin ng sikat na designer na si Vera Wang. Sa Amerika nag-new year ang magkasintahan. Regalo raw ito ng aktor sa nobya na first time nagpunta sa US.

Wala pa raw masyadong details ang kasal. Ang kumpirmado pa lang ay ang TV host na si Boy Abunda bilang isa sa mga ninong nila. Hindi raw alam ng iba ay close sila.

___________________________________________________________________________________

Bret says his good intention for Andi

bret jackson and andiViva artist na rin pala ang lalaking iniu-ugnay kay Andi Eigenmann na si Bret Jackson. Bagaman dating PBB housemate siya at ka-batch ng young actor na si James Reid, hindi naman ito nabigyan ng break sa Kapamilya network. Kaya naman ngayon pa lamang nakikilala si Bret at binigyan na nga siya ng project sa TV5 via mini-series ‘Trip in Love or Fall in Love?.’ Pero ang pagkakaugnay niya sa aktres ay kinukwestyon hindi lamang ng iba kundi mismo ng ina ni Andi at sinasabing ginagamit lamang niya ito para makilala. Bagay na mariing itinanggi ni Bret. Malinis daw ang intensyon nito sa aktres at mahal niya maging ang anak nito.

Follow me…

social networkingMildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud

Leave a comment

Leave a Reply