May 22, 2025
Who is Derek Ramsay dating now?
This is it!

Who is Derek Ramsay dating now?

Jan 27, 2015

By Rommel Placente

Rammm Golden Goose Records Pas Cher May dini-date na pala si Derek Ramsay. Pero ayaw niyang banggitin kung sino ito, ayaw niyang i-reveal ang identity nito. Katwiran niya, hindi pa naman daw kasi masasabing sila na.

“Huwag muna. Ayusin ko muna ito. You know, there’s no label, there’s nothing yet. We’re dating and that’s it.” sabi ni Derek sa isang panayam sa kanya.
Bago pa lang daw sila nagdi-date nung girl.

“Kailan ba ako nagkaroon ng oras talagang mag-all-out dating? Kita mo nga nagtatrabaho pa rin ako kahit nung New Year sa New Year Countdown, doon na lang kami nag-date,” natatawa niyang sabi.

Ang pagkakaalam namin, si Kris Aquino ang pinakamalapit na babae ngayon sa buhay ni Derek, nali-link nga silang dalawa di ba? So kung ganyang inamin ni Derek na may dini-date siya at hindi ‘yun si Kris, ibig lang sabihin nito na talagang wala silang relasyon ng Presidential Sister at magkaibigan lang talaga sila nito.
E kaso sa napapansin namin, mukhang type ni Kris si Derek. So ano kayang magiging reaksyon niya pag nalaman niya may dini-date na si Derek?

********

Habang wala pang project si Ara Mina ay hands-on daw muna siya sa pag-aalaga ng baby nila ni Mayor Patrick Meneses na si Amanda Gabrielle na ngayon ay mahigit one year old na. Ipinanganak ang anak nila nung December 17 ng nakaraang taon. Hindi raw muna pinapaalaga ni Ara ang baby nila sa yaya nito. Gusto niyang siya muna ang personal na nag-aalaga rito katuwang si Mayor Patrick.
Sa ngayon daw ay hindi muna nagbi-brest feed si Ara. Pero pag nakailang buwan na raw ang baby nila ay ibi-breast feed niya na ito.

Follow me…

Leave a comment