May 23, 2025
Child Wonder Niño Muhlach, acts as PA to Alonzo
Latest Articles

Child Wonder Niño Muhlach, acts as PA to Alonzo

Jan 27, 2015

john@fontanilla
By John Fontanilla

Nino-Alonzo-muhlach Hindi daw problema para kay Niño Muhlach kung maging alalay man siya ng kanyang anak na si Alonzo Muhlach na ngayon ay unti unti na ring gumagawa ng pangalan bilang child star.

Kwento nga ni Niño sa Philippine Showbiz Republic ng mag guest silang mag ama sa Walang Tulugan with the Mastershowman last Janary 24 , 2015 sa GMA Annex Studio 6 na

“Wala namang problema sa akin kung maging alalay ako ni Alonzo kasi anak ko yan.

“Tsaka kailangan ko siyang samahan kasi masyadong bata pa.

“Minsan nga pag nasa Mall kami mas marami na yung nagpapalitrato, bumabati at nakakakilala sa kanya kaysa sa akin ha ha ha.

“Siya na yung pinagkakaguluhan.

Natural Talent (Hindi daw araw at natural daw ang talent na ipinapakita ni Alonzo)

“Kung ano yung nakikita nyo sa kanya, siya yun hindi aral.”

“Sa edad ni Alonzo (4 years) masyado pang bata, natural talaga yung pagiging bibo niya at gusto niya yung ginagawa niya.

“Siguro yung tinuturo ko lang sa kanya, yung pagpapalitrato sa mga fans, kasi bata pa tamad mag pa-picture, sinasabihan ko siya na maging mabait sa mga fans at kailangan magjng humble.

Plano na mag Produce ng Pelikula para sa anak na si Alonzo

“Meron, pinag uusapan pa lang namin, baka mag produce kami ng pelikula, kasi may mga movies ako dati na puwedeng gawin ni Alonzo.

“Katulad ng NogNog, Kuwatog at marami pang iba. Hopefully sana matuloy.

“Sana magawa niya yung mga pelikula na ginawa ko noon, yun kasi yung gusto ko.

Alonzo is Taller than him when he enter showbiz “Naku mas matangkad si Alonzo kaysa sa akin nung nag simula ako ha ha ha.

“Kaya alam ko na paglaki niya mas tatangkad pa siya sa akin ha ha ha.

Stage Father “Hindi naman, kaya lang kailangan ko lang talaga na samahan siya kasi bata pa at hinahanap ako.”Siguro pag nasanay na siya sa ginagawa niya , baka puwede ko na siya pasamahan.

“Pero sa ngayon kailangan nandun talaga ako.

Wonder boy (Happy daw si Niño kapag ang anak niyang si Alonzo ang bagong sasabihing Wonder Boy)

“Happy ako if siya yung sasabihin nilang bagong Wonder Boy ngayong henerasyon, kasi anak ko yan.

“Kasi matagal tagal na rin naman na walang puwedeng sabihing Wonder Boy.

“Pero ayoko namang i-claim o sabihin na si Alonzo na nga yung magiging Wonder Boy, hayaan na lang natin na yung mga tao ang mag sabi nun.” Pagtatapos ni Nino.

Follow me…

social networkingJohn Fontanilla
iamjohnf

Leave a comment

Leave a Reply