May 23, 2025
Rommel Padilla on his being a cool dad
Latest Articles

Rommel Padilla on his being a cool dad

Jan 27, 2015

arseni@liao
by Arsenio “Archie” Liao

rommel padillaSa tunay na buhay ay cool na daddy si Rommel Padilla sa kanyang mga anak.

Katunayan, mas istrikto pa nga ang mga mommies ng mga anak niya (Karla Estrada, Daniel Padilla’s mom included) kung pagdidisiplina ang pag-uusapan sa mga anak.

Aminado si Rommel na siya ang tipo ng ama na cool lang at nakikinig sa mga problema ng kanyang mga anak dahil more than anything else, mas gusto niyang ituring siya ng kanyang mga anak na isang kaibigan o kabarkada.

As a father, marunong naman siyang mag-disiplina sa kanyang mga anak lalo na’t kung nagkakamali ang mga ito.

Kahit nagkaroon siya ng magkakaibang anak sa iba’t-ibang babae, proud naman siya na lumaking responsable at may takot sa Diyos ang mga ito, bagay na ipinagpapasalamat niya sa mga ina ng mga ito.

Beaming with pride na sinasabi naman niya na siya ang nag-aalaga at nagpapatahan kay Ranya ang kanyang first granddaughter sa anak na si RJ, kung may tantrums ito sa set , na incidentally ay kasama sa “2 and ½ Daddies” , ang pinaka-kuwelang sitcom ng TV 5.

First love ni Rommel ang comedy pero noong pumasok siya sa show business ay sa drama at action movies siya napasabak.

2-and-a-half-DaddiesKaya naman, nang ini-offer ng TV5 ang role ni Ver, isang salesman na matinik sa mga babae, sa kanya, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa dahil ito na ang pagkakataon niya para i-showcase ang kanyang galing sa pagpapatawa.

First time na magkakasama ng Padilla siblings (Robin, BB at Rommel) sa “2 and ½ Daddies” sa telebisyon kung saan ang bawa’t isa sa kanila ay magiging “suspect” na ama ng batang iniwan ng kanyang ina sa kanilang tinitirhang apartment na garantisadong riot ang hatid na katatawanan tuwing Sabado, sa ganap na alas-8 ng gabi sa TV 5.

Follow me…

social networkingarsenio.liao
@artzy02

Leave a comment

Leave a Reply