June 18, 2025
BB Gandang Hari, wishes to have a baby
Latest Articles

BB Gandang Hari, wishes to have a baby

Jan 27, 2015

arseni@liao
by Arsenio “Archie” Liao

bb gandanghariInamin ni BB Gandanghari na balang araw ay gusto rin niyang magkaanak kahit isa siyang transgender.

“Honestly, gusto ko rin namang maramdaman iyong pagiging magulang, pero gusto ko ang tawag ng anak ko sa akin ay Mommy”.

Sa anong paraan mo gustong magkaanak?

“Siguro, kung uso na ang ovary transplant, magpapa-transplant ako”, pabirong niyang sagot.
“Maybe, baka, mag-ampon ako ”, seryosong kambyo niya.

Ano ang kaibahan ng pakikipagtrabaho mo noon sa mga kapatid mo sa “Mistah” kung saan una kayong nagkasama kumpara sa bagong sitcom ninyo na “2 and 1/2 Daddies”?

“Mas relaxed na ako ngayon. Nawala na iyong inhibitions ko. Nakatulong iyon upang maging kumportable na ako at effective as an actor. Kumbaga. nagagawa ko na ang gusto kong gawin ngayon. Malaya na rin ako to express myself na hindi naka-depende sa sasabihin ng ibang tao”, sey ni BB.

Sinabi rin ni BB na type niyang maging kauna-unahang transgender na action star.
Ano na ang nangyari sa dapat sana ay launching movie mo as an action star?

“Actually, ipinasok siya as a possible entry sa MMFF pero hindi siya nakasama sa magic 8, so ang ending hindi na siya natuloy”.
Pero willing ka pa bang gumawa ng action movie sa ngayon?
“Oo naman,” pakli niya. “Nag-aaral ako ng martial arts, just in any case na matuloy, at least may training na ako”.
Ano ang “take” mo sa gay marriage?

“I have nothing against it. I respect the rights of gay people in the same way na gusto ko ring irespeto nila ako. But, this time, gusto ko munang unahin ang mga LGBT concerns at kung paano pa pagbubutihin ang “craft” ko.

two and a half daddiesPapel ng bunso sa tatlong magkakapatid ang role ni BB sa “2 and ½ Daddies” na nang magbalik ay isa nang transgender ang magdadagdag ng kulay sa magulong pamilya ng mga Pastoran kung saan kabituin niya ang real-life siblings na sina Robin at Rommel Padilla na mapapanood tuwing Sabado, sa ganap na alas-8 ng gabi sa TV 5.

Follow me…

social networkingarsenio.liao
@artzy02

Leave a comment

Leave a Reply