May 22, 2025
Professional jealousy on the part of Bayani Agbayani?
Latest Articles This is it!

Professional jealousy on the part of Bayani Agbayani?

Jan 29, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

87b822503Totoo kayang si Empoy ang dahilan kung bakit nag-decide si Bayani Agbayani na umalis sa TV5 at bumalik sa ABS-CBN 2? Napansin daw kasi ni Bayani na kahit mas nauna siyang napunta sa Kapatid network o mas una siyang lumipat dito kesa kay Empoy, ay mas binibigyan ito ng importansiya kesa kanya. Karamihan daw ng show na napupunta kay Bayani ay puro ‘one of those’ lang siya roon unlike Empoy na puro bida raw ito gaya sa Max and Chiz na silang dalawa ni Derek Ramsay ang bida rito.

Dapat ay kasama si Bayani sa sitcom ng TV5 na 2 and 1/2 Daddies na bida ang magkakapatid na Rommel at Robin Padilla at si BB Gandangahari, pero dahil nga bumalik siya sa Kapamilya network kaya tatanggalin na lang ang character niya rito.

 

**********

(Dingdong Dantes - Marian Rivera Wedding from Nice print)
Wedding of the year kung i-describe ang nangyaring kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera nung nakaraang taon. Ito ay base sa mga sikat na artista at kilalang mga tao sa lipunan ang kinuha nilang mga ninong at ninang sa kanilang kasal plus milyon pa ang ginastos nila rito. Pero ayon kay Dingdong, hindi pa rin siya satisfied sa nangyaring kasal nila ni Marian. Marami pa rin daw kasi siyang bagay na gustong mangyari sa espesyal na araw nila na mahalaga rin daw, na hindi nangyari. Hindi na lang nag-elaborate pa si Dingdong tungkol dito.

“But, ang mas mahalaga naman dun talaga, consider everything that has been done, it’s really the ceremony, it’s really the blessing and most importantly, it’s the sacrament. So, everything and anything na lumampas doon o lumabas doon is secondary,” sabi ni Dingdong.

 

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply