
Willie Revillame’s statement indicates indefiniteness on his contract with GMA 7
by Mildred Amistad Bacud
Wala pa rin palang kumpirmasyon kung kailan talaga pipirma ng kontrata si Willie Revillame sa Kapuso network. Nauna ng lumabas ang mga balitang Enero ng taong ito ay muli ng mapapanood sa telebisyon ang TV host.
Sabi niya hindi pa raw kumpirmado ang lahat. In God’s time and God’s will daw. Nagpapasalamat naman siya kina Joey de Leon at Mike Enriquez na sinasabing tulay niya para makatawid sa Kapuso, dahil sinusuportahan siya ng mga ito.
Halos dalawang taon na ring hindi napapanood si Willie sa telebisyon mula ng mawala sa ere ang kayang programa sa TV 5.
___________________________________________________________________________________
John Estrada, awaits the teleserye with Judy Ann Santos
Kasama ni John Estrada ang asawang si Priscila Meirelles sa birthday celebration ng aming kasama na si Fernan de Guzman. Kinamusta namin ang aktor dahil nuong huli namin itong makausap last December ay sinabi niyang January of this year na ang taping ng teleseryeng pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos sa Kapamilya network.
“Wala pa nga eh. I’m just waiting for the schedule. May balita kasi tayo na gustong magka-baby muna ni Juday. I’m just waiting.”
Matatandaang sinabi ni John na mismong ang aktres ang pumili sa kaniya para maging leading man sa susunod nga nilang project together. Bagay na sobra raw niyang ina-appreciate. Pero hindi pa nga nagsisimulang mag-taping dahil hinihintay pa ang aktres. Matatandaang sa interviews ni Juday, sinabi niyang pipilitin muna nilang magka-baby ni Ryan bago ang panibagong project.
___________________________________________________________________________________
Jake Vargas has not seen kuya Germs after the mild stroke
Hindi pa rin pala nakikita o nadadalaw man lamang ni Jake Vargas ang tumatayong manager nito na si German Moreno mula ng ma-stroke ito three weeks ago. Tinangka nyang dumalaw sa ospital at bahay nito pero hindi raw siya pinahintulutan.
Samantala, nagpapagaling pa rin ang TV host sa kanilang tahanan. Pinapa-stable daw muna ang kalagayan nito at saka babyahe papuntang Amerika para do’n magpa-therapy at magpagaling.
Follow me…
Mildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud