May 22, 2025
“Don’t even dream it.”, Arnel Ignacio on same sex marriage
Latest Articles This is it!

“Don’t even dream it.”, Arnel Ignacio on same sex marriage

Jan 30, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

arnel-ignacio1Isa si Arnel Ignacio sa host ng public affairs/infotainment program na Solved Na Solved na napapanood sa TV5 mula Lunes hanggang Biyernes, 11:30 ng umaga. Ayon kay Arnel, ang original title ng kanilang show ay What’s the Problem?

“Piinalitan ‘yung title kasi parang nega ang dating. At least ‘yung Solved na Solved, parang may solusyon na,” sabi ni Arnel nang makausap siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR).

Kung sa show nila ay nagbibigay ng payo si Arnel at solusyon sa mga problema sa kanilang mga guest, ganundin siya sa totoong buhay.

“Kahit nga hindi ko mga kaibigan, sa akin sila laging lumalapit. Parang city hall na nga ‘yung bahay ko,”natatawang sabi pa ni Arnel

Dahil maraming natutulungan, bakit hindi na lang siya tumakbo ulit sa isang posisyon sa darating na eleksyon sa 2016?

For the record, tumakbo na dati si Arnel bilang Konsehal ng Pasig, pero hindi siya pinalad na manalo.

“Hindi na. ‘Yung mga tao naman dito sa atin, yung mga botante naman natin, kuntento naman sila kung ano ‘yung sitwasyon ng buhay nila.

“Nagrereklamo na, pero hindi naman naghahanap ng solusyon,

“Kaya maganda na mayroong ganitong show, kasi yung mga bagay-bagay na akala natin malaking problema na, dito panonoorin mo naliliwanangan ka na may solusyon pala, di ba?

“Ako nga ang dami kong napupulot dito na ganoon pala,”

Nakilala si Arnel bilang isang game show host. Pero mas nag-ienjoy siya sa paghu-host ng ganitong klase ng show.

“Eto kasi mayroong extra amount of fulfillment sa akin, dahil you leave the show na mayroon kang profound effect dun sa nanood, di ba? Hindi yung pinatawa o pinasaya mo lang sila.

“Eto natutuwa sila at the same time mayroon natutunan, ‘di ba?

“Yung dati sa game show, napapasasaya ko lang yung mga tao, pero wala naman talaga akong naiambag sa kanila kundi pinasaya ko lang sila, di ba?”

Samantala, maraming nakakapansin na tahimik ang love life ngayon ni Arnel, hindi ito napapag-usapan. Wala ba siyang boyfriend ngayon?

“Actually yung tunay na kulay ng love life ko, maingay. Pero hindi ko nirerekomenda na tularan e, kaya hindi ko kinukwento,

“May boyfriend ako pero may problema nga kami e, na inaayos naman namin.”

Naniniwala o pabor ba siya sa same sex marriage?

“Hindi, ayoko. ‘Yung kunwari lalagyan na natin ng legality, ayoko.

“Ang sarap talaga ng seremonyas na ikinakasal ka. Pero yung hihingan natin ito ng pantay, na pareho ng kasal ng babae at lalaki, naku, ako na po ang magsasabi sa inyo, huwag ninyo nang pangarapin,”

Pero ano ang masasabi niya dun sa mga nagpakasal o gustong magpakasal sa pareho nilang kasarian?

“Nasa sa kanila na yun. Yung opinyon ko naman, sarili ko lang yun at hindi ko sinasaklawan yung mga naniniwala sa same sex marriage.”

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply