May 22, 2025
Frencheska Farr’s single “Let My Fire Out”, represents her fears and true personality
Latest Articles Music

Frencheska Farr’s single “Let My Fire Out”, represents her fears and true personality

Jan 30, 2015

roldan@castro
by Roldan Castro

french imageAminado si Frencheska Farr na may pinagdadaanan habang sinusulat ang kanyang single na “Let My Fire Out” na nada-download na sa iTunes.

“Hindi po sa lovelife. Sa buhay lang po. Nung time kasi na yun, basta ay mga pinagdadaanan lang kami sa family and sa personal life so alam nyo yung parang napu-frustrate ka lang talaga na wala kang magawa dahil hindi mo hawak yung sitwasyon.

“Parang ganun. So at that time na-realize ko na siguro kailangan ko lang tanggapin kung sino talaga ako at kumbaga kasi yung kanta for me represents my fears and kung sino yung pagkatao ko dati na pilit kong, yung alam nyo po yung parang dark past ng gusto mong kalimutan,” sey niya sa pocket interview sa 17th floor Executive Lounge ng GMA 7 kabilang na ang Philippine Showbiz Republic (PSR).

Ano yung dark past na sinasabi niya?

“How dark? Hindi naman sobrang dark pero ano lang siya, kumbaga yung stages ng buhay ko na may mga ganun kasi, di ba?

“Na pag napi-feel mo na parang kinakahiya mo yung past mo, yung mga ganyan.

“Hindi po siya diretsong isyu, e.”

Hindi ba ito sa gender issue?

“Hindi po, wala po akong isyu sa gender. Wala, yung takbo lang ng buhay, parang ganun lang talaga siya.

Siguro po dala na rin ng experience, ganun, sambit niya.

So ano ang ikinakahiya niyang dark experience?

“Alam nyo yung mga maliliit na bagay na pinagdaanan ng mga teenager. Like sige magbibigay ako ng example.

“More on sa family and sa family ties so ang relationship with parents and family medyo naging bumpy kasi talaga siya. Hindi po ako suwail na anak, mabait po akong anak.”

Bumpy relationship with her father or mother?

“Both, and yung kapatid ko po. Hindi nag-away e, pero nagkaroon ng mga misunderstanding sa pamilya so, kasi nung iniisip ko nung time na yun, gusto ko siyang talikuran. So last year nung sinusulat ko yung kanta, representation siya na ready na akong tanggapin kung sino ako and i-accept lang yun na part siya ng buhay ko at part siya ng pagkatao ko.

“So hindi ko dapat siyang kinakahiya or inaalis, na hindi siya part of me.”

urlBreadwinner ng pamilya si Frencheska.

Nahirapan ba siyang palakihin o buhayin ang pamilya niya?

“Hindi ko po masasabing palakihin, hindi naman po buhayin.

“Actually kasi, ganito yung family ko, hindi sila masyadong nagsasalita at nakikipag-communicate sa isa’t isa,” bulalas niya.

Lack of communication ang naging problema.

“Iyon po talaga ang nangyari.”

So ang ang “fire na “in-out” niya?

“Yung kanta, actually yung fire na tinutukoy ko talaga is more on fire na deep inside na kung ano talaga yung nararamdaman mo, sasabihin mo at hindi mo siya palalampasin.

“Kumbaga kahit na problema siya or hindi magandang bagay, na dapat sinasabi nyo sa isa’t-isa, parang ganun sa akin ang interpretation.

“Kasi para sa kin iyon talaga ng pinagmumulan ng most ng away, ng problema sa isang family, lalo na sa pamilya ko,” aniya.

Bukod sa pagiging regular ng Sunday All Stars ay kasama rin siya sa ‘Second Chances’ ng GMA na kung saan ay tampok sina Jennylyn Mercado (Lyra) (Jennylyn at Bernard [Raymart Santiago]) . Veterinarian din siya kagaya ni Jen sa nasabing serye. Gumaganap siya bilang si Penny.

Follow me…

social networkingRoldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro

Leave a comment

Leave a Reply