
Robin Padilla uncovers his true feelings on the issue of sibling BB’s dislike to be directed on an action film project
Isang malaking mitsa ang pagkaroon ng communication ang Padilla siblings sa bagong sitcom na ‘2 ½ Daddies’ ng TV5. Ayon kay Robin Padilla, marami raw ang nasa script na hindi nila nasasabi kay BB Gandanghari pero sa pamamagitan nito ay naipapahayag nila.
“Nagagamit namin ‘yung script para doon namin mapag-usapan. Kaya minsan ‘yung director namin hindi kuma-cut kasi doon namin napag-uusapan. Pero hindi puwedeng lumabas sa TV yun dahil minsan censored,” kuwento ng bagong Action King na napapanood ding nagco-comedy.
Speaking of BB, nagsalita na rin si Robin sa isyung ayaw siyang maging director sa isang action film.
“Matagal ko nang sinasabi pero ayaw niya akong director kaya kami nag-aaway. Ang dami kong project diyan, ang dami ‘Kill BB,’ magu-shooting na lang kami nang malaman niya na ako ang director, ayaw, lumayas siya. Ewan ko..mayabang ‘yan eh,” bulalas ni Binoe.
“Nu’ng mag-shooting kami ng “Anak Ni Baby Ama,” magshu-shooting na lang kami nang malaman niyang ako ang director, ayaw niya. Nagbibigay siya ng ibang director. Ang sabi ko sa kanya, alam mo ‘tol, hindi ako kailanman gagawa ng action na iba ang director kasi malulugi tayo. Alam ko na kasi. Ngayon kako, humanap ka ng ibang producer parang ‘Bonifacio,’ iba ang director ko dahil iba ang producer. Pero kung ako ang producer tapos ayaw mong ako ang director, ‘wag na lang…kasi malaki gastos, eh. Hindi ko naman sinasabing alam ko na ‘yung daya kundi alam ko na ‘yung action. Kasi mahal ang action na gawin. Eh, pag kumuha tayo ng isang director na magaling nga, hindi naman marunong gumawa ng action, [baka] ubusin ang pera mo niyan. ‘Yun ang sinasabi ko sa kanya, eh, mayabang ‘yan. Hindi kami natutuloy. Lagi kaming magsu-shooting na lang,” litanya pa niya.
Follow me…
Roldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro