May 24, 2025
BB Gandanghari reacts on Robin Padilla’s remark on the former’s being egocentric
Latest Articles

BB Gandanghari reacts on Robin Padilla’s remark on the former’s being egocentric

Jan 30, 2015

roldan@castro
by Roldan Castro

bb-gandanghari-back-in-manilaNag-react si BB Gandanghari sa mga pahayag ni Robin Padilla na mas lalaki siya kumpara sa kanya dahil nagawa niyang magkaroon sng closure sa dating asawa na si Carmina Villarroel. Si Robin kasi ay walang closure sa iba niyang naging girlfriends.

“In fairness kay Rustom (Padilla), I think lumabas din talaga ‘yung character niya. At saka siguro, nagpapatunay na …kung gaano kaimportante si Carmina sa buhay ni Rustom. Kailangang mag-close para maka-move on ang lahat,” pakli niya.

Kailangan ba ay tularan siya ng iba na magpakalalaki?

“Ano ‘yan eh…taking responsibility I think more than anything else, di ba? Siguro what Rustom did at that time was really responsibility of his actions na he thought na kailangan niyang mag-open dahil may pinagsamahan sila ni Carmina. ‘Yun din ‘yung magtatapos dun, eh at hindi na hahaba,” sey ni BB.

Ano naman ang masasabi niya sa pahayag ni Robin na ayaw niya itong maging director sa action. Mayabang daw siya.

“Naku, gusto ko, maniniwala ka diyan na ayaw ko siyang maging director.

“Sa sobrang busy niya, noh? Ha!ha!ha! Pasahan kami,” bulalas ni BB.

Magi-start na raw ang shooting, hindi natutuloy dahil ibang director ang gusto niya?

“Naku, ewan ko. No comment,” tugon ni BB sabay tawa.

Hindi ba siya kumportable pag si Robin ang director niya?

“Ang hirap sagutin. Let’s just put it this way, parang siyempre gusto mong malaman kung paano atatakehin ‘yung ano, ganoon lang naman ‘yun. Pero hindi ibig sabihin ayaw ko siyang maging director,” aniya.

Mas makakaarte ba siya na hindi si Robin ang director?

“Hindi rin..ah…,”bitin niyang sagot.

Hindi ba siya nanghihinayang sa mga alok na project ni Robin?

“Nanghihinayang pero I’m sure may matutuloy [din] diyan, eh. Ang tingin ko kasi sa mga hindi natutuloy na project na dapat naming gawin eh, baka hindi ukol, di ba? Kasi, imposibleng hindi naman sa ayaw ko lang. Ayaw kong isipin na parang iniisnab ko si Robin, hindi ganoon ang situwasyon. Gusto niya akong idirek, gusto ko rin siyang makatrabaho pero ‘yung paggawa ng pelikula masalimuot ‘yan, eh. Maraming nangyayari, eh, para mabuo mo ang isang pelikula,” paliwanag pa ni BB.

Anyway, may nga pasabog si BB sa ‘2 ½ Daddies’ na napapanood sa TV 5 tuwing Sabado, 8 PM. Unang-una first time makikita ng mga manonood na totally ay nagco-comedy siya. Tapos yung rapport nilang magkakapatid.

“Dito , walang inhibition, sabi ko nga first time kong nagsuot ng extremely tight short, no? Ha!ha!ha!,” pagmamalaki pa ni BB.

Follow me…

social networkingRoldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro

Leave a comment

Leave a Reply