May 22, 2025
KC’s intriguing reply on the issue of Sharon returning as Kapamilya, “maybe” and “hopefully”
Latest Articles This is it!

KC’s intriguing reply on the issue of Sharon returning as Kapamilya, “maybe” and “hopefully”

Feb 1, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

Sharon and kcSa isang interview ni KC Concepcion ay hindi niya kinumpirma o dininay ang balitang babalik na ulit sa ABS-CBN 2 ang mommy niyang si Sharon Cuneta. Ang tanging nasabi lang niya tungkol dito ay “siguro” at “hopefully”. Pero naniniwala si KC na hindi talaga maiiwanan nang tuluyan ng Megastar ang Kapamilya network na nag-alaga sa kanya sa loob ng maraming taon.  Alam din niya na hindi kayang pakawalan ng Dos ang ina nang ganun-ganun na lang.

Wish lang ni KC na bumalik nga ang ina sa Dos para magkasama ulit sila sa iisang istayon. Pero ayaw daw niya itong makasama sa isang proyekto dahil hindi niya alam kung makakaarte siya sa harap nito.

Tungkol naman sa ginawang pagpapapayat ng ina, sabi ni KC ay 30 pounds (lbs.) na raw ang nababawas sa timbang nito. Nakita niya raw ang determinasyon at kaseryosohan ni Sharon sa pagpapapayat.

_______________________________________________________________________________________________________

After Jessy Mendiola, si Meg Imperial na ba ang bagong nagmamay-ari ng puso ngayon ni JM de Guzman? Mula raw kasi nang magkasama ang dalawa sa isang show sa Davao nung December, ay naging malapit na sila sa isa’t-isa. Madalas na raw ang communication nila, madalas daw silang nagti-text sa isa’t-isa at kung minsan daw ay lumalabas pa silang dalawa.

jm and meg
Well, kung may namumuo na ngang relasyon kina JM at Meg, sana ay aminin nila yun at hindi ilihim na gaya nang ginagawa ng iba, na kahit obvious naman na may relasyon na ay patuloy pa rin silang nagdi-deny.

_______________________________________________________________________________________________________

claudine-baretto AND jUDY ANNNoon pa napabalita na pagsasamahin sa isang pelikula sina Claudine Baretto at Judy Ann Santos nung pareho pa silang walang mga anak, pero hindi naman natuloy. Ngayon ay may balita ulit na pagsasamahin ang dalawa sa isang pelikula na ipo-produce ng Star Cinema at ididirek ni Direk Chito Rono.

Well, this time kaya ay matuloy na ang dalawa na magkatrabaho/magkasama sa isang proyekto? Kung sakali ngang matutuloy na ‘yun, sino kaya sa dalawa ang mas lulutang ang akting sa kanilang pelikula? Sino kaya ang sasapawan nino? Parehong mahusay na aktres sina Juday at Claudine kaya siguradong hindi sila patatalbog sa isa’t isa, ‘di ba?

Leave a comment

Leave a Reply