
Luis Manzano comes back as host as Kapamilya Deal or No Deal airs back on ABS-CBN
Magbabalik sa ABS-CBN 2 ang “Kapamilya Deal or No Deal” at si Luis Manzano pa rin ang host nito. Simula sa Lunes, February 9, tunghayan ang muling pakikipagtawaran at pakikipagkulitan ni Luis sa studio contestant at kay Banker. Pero kung sa dating DOND ay ang mga naggagandahan at nagseseksihang babae na tinawag na 26K ang kasama rito ni Luis na nagbubukas ng briefcases na napipili ng contestant, this time ay hindi na sila kasama rito. Ang pumalit sa kanila ay tinawag na Lucky Stars, kung saan ay 20 ang members nito na binubuo ng teen heartthrob, beauty queen, character actor, comedian, sexy actress, singer, former action star, stand-up comedian, at iba pa.
Ngunit hindi lang tagahawak ng briefcases ang papel na gagampanan nila dahil sila rin ang maglalaro para sa kapalaran nila. Gamit isang roleta, pipiliin kung sino sa 20 lucky stars ang maglalaro para sa araw na iyon. Maari nilang ilaban ang laman ng hawak nilang briefcase o maaari silang makipagpalit sa kapwa lucky star nila. Matapos nito, simula na ng tawaran at pagsagot sa mahiwagang tanong na ‘deal or no deal?’
As a host, anong bago ang ipapakita ni Luis sa Kapamilya Deal or No Deal?
“I think what’s gonna be new on my part will be my dynamics to the Lucky Stars. Isa yun sa dapat abangan which I can’t reveal too much. Kaya dapat abangan sa February 9 ang pilot namin,” sabi ni Luis nang makapanayam siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR) at ilang entertainment press sa presscon ng Kapamilya Deal or No Deal (KDOND).
May balitang babalik na si Edu Manzano sa ABS-CBN 2. At sa pagbabalik nito sa Kapamilya network ay sa kanya raw ibibigay ang paghu-host ng KDOND. Pero hindi naman pala ‘yun mangyayari dahil ibinigay pa rin kay Luis ang paghu-host nito.
Aware ba si Luis sa balitang ito?
“Siguro kung kinukuha siya prior sa akin, I wouldn’t be surpised, nagkataon lang siguro na busy si daddy or my conflict kaya binigay sa akin. So, okey lang naman sa akin,”
Hindi kaya ang dahilan kung bakit sa kanya pa rin binigay ang KDOND ay dahil nabubulol minsan si Edu sa paghu-host?
“Ang weakness ko naman sa paghu-host admittedly, I’ll be the person to admit my weakness, ako naman pag ‘yung mga malalalim na tagalog, dun ako nabu-bulol.
“Lalo na yung mga Tagalog words na parang nagdo-doble, yun ang kahinaan ko.
“Si Toni (Gonzaga) ang malakas doon. Pag for example binabasa namin yung The Voice script, siya ang malakas dun,”
Hindi man si Edu ang naging host ng KDOND, kinumpirma naman ni Luis na totoong babalik na sa Kapamilya network ang ama. In fact, kasalukuyan na raw itong nagti-taping para sa bagong serye ng ABS-CBN 2 na Bridges na pagbibidahan nina Jericho Rosales at Maja Salvador.
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente