
Derrick Monasterio will possibly court Bea Binene if break up with Jake Vargas is confirmed
by Rommel Placente

Nakausap namin si Derrick Monasterio. Ayon sa kanya, wala raw siyang kinalalaman kung talagang break na sina Jake Vargas at Bea Benene. Magkaibigan lang daw sila ni Bea although aminado siya na lumalabas sila nito pero friendly date lang daw yun.
Hindi nga raw alam ni Derrick kung bakit nadadamay ang pangalan niya sa sa sinasabing break-up ng dalawa. Pero nang tanungin namin si Derrick kung posible bang ligawan niya si Bea kung totoong hiwalay na ito kay Jake, ang sagot ng binata ay, “Oo”. So, iisa lang ang ibig sabihin nito, na type niya si Bea, ‘di ba?
Anong say mo Jake?
_______________________________________________________________________________________________________
Medyo pumayat na si Sharon Cuneta kaya nagawa niyang dumalo sa birthday ng kaibigan niyang si Sandy Sta. Maria kamakailan. At least nagpakita na siya after ng ilang buwan ding hindi pagpapakita sa kanyang mga kaibigan dahil nga sa sobrang katabaan. Pero hindi pa rin magbabalik-showbiz ang Megastar. Ang gusto niya ay yung talagang payat na raw siya na gaya ng katawan ng best friend niyang si Zsa-Zsa Padilla. So, ang katawan pala ng mommy ni Karylle ang peg ng Mega Star?
Pursigido naman naman si Sharon na pagpapapayat, kaya siguradong maa-achieve niya ang katawang gusto niya. Miss na si Sharon ng kanyang fans kaya gusto na nilang makita ulit ito na umaarte. Kaya pumayat na nga sana si Sharon, mabalik na sana ang dati niyang katawan
DISCLAIMER: Views expressed are that of the author and do not necessarily reflect the opinion of the Philippine Showbiz Republic and its publishing company, DCPManagers Inc.
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente