
“Oo Ako Na! Ako Na Mag-isa, Samahan Nyo Naman Ako”
by Rommel Placente
Balitang susuportahan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pre-Valentines concert ni Jennylyn Mercado na gaganapin sa February 13 sa SM Skydome billed as “Oo Ako Na! Ako Na Mag-isa, Samahan Nyo Naman Ako”. Iinimbitahan daw ng aktres si Erap at nangako ito na manonood at bibili ng tickets.
O di ba bongga si Jen, dahil panonoorin siya ng ating ex-president? Balitang type raw kasi siya ni Erap, na diumano’y nabighani sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan nung magkita sila sa nakaraang MMFF Awards Night kaya susuportahan nga raw siya nito sa kanyang nalalapit na concert.
Ganoon nga kaya yun? Kung sakaling liligawan ni Manila Mayor si Jen, may maasahan naman kaya ito sa kanya? Open kaya si Jen na makipagrelasyon sa lalaking malaki ang agwat ng edad sa kanya o parang tatay niya na? Well..
Anyway, special guest ni Jen sa kanyang concert ang dalawang dati niyang nakarelasyon na sina Dennis Trillo at Mark Herras. Join din sa concert ang naging leading man ni Jen sa pelikulang English Only Please na si Derek Ramsay.
_______________________________________________________________________________________________________
Isa si Jeric Gonzales sa members ng singing group na 3logy na kasama niya rito sina Jak Roberto at Abel Estanislao. Kamakailan ay ni-launch na ng GMA 7 ang grupo nila. Ang awitin ng 3logy na Maybe It’s You ay malapit nang i-release digitally ng Kapuso network.
Natutuwa si Jeric na isinama siya sa grupo dahil love niya ang singing. At least habang wala pang bagong serye ay busy naman si Jeric sa mga mall shows, gigs at TV guestings ng kanilang grupo. Kamakailan nga lang ay nag-mall show sila sa SM Valenzuela at bukas, Friday, ay may taping sila para sa Walang Tulugan with the Master Showman na ipapalabas sa Sabado ng gabi.
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente