May 24, 2025
Ai Ai is emotional on Warriors 44 over Richard Yap’s backing out on her concert; Pledges 15% of her earning share for the 11 warrior survivors
Latest Articles

Ai Ai is emotional on Warriors 44 over Richard Yap’s backing out on her concert; Pledges 15% of her earning share for the 11 warrior survivors

Feb 5, 2015

roldan@castro
by Roldan Castro

AIAI FLAWLESS (mirror)-K80Hindi sumama ang loob ni Ai Ai delas Alas Richard Yap kung nag-back out ang huli sa kanyang concert.

“Ay, hindi sumama ang loob ko sa kanya kasi technically tama naman sila, eh! Tama sila,” deklara niya.

Nahihiya raw ang kampo ni Sir Chief kay Miss Ai Ai pero hindi agad nagawa ng paraan ang mga pangyayari.

“Oo, kasi close [kami] nu’n,e. Pero tama naman sila technically. Naiintindihan ko sila dun, sa part na ‘yun,” aniya pa.

Mas fresh at bata ang ipinalit ni Ai Ai Delas Alas kay Richard Yap sa kanyang pre-Valentine Romance and Comedy Concert sa February 12 sa Solaire Theatre na prodyus ng Showbiz Mansion.

Naging co-producer na si Ai Ai sa kanyang concert at siya ang namili kina Aljur Abrenica at JC De Vera sa “Ai Heart Papa”. May surprise ‘papa’ raw na darating pa.

On her contribution to those who have had their supreme sacrifice

Balak din niya na ‘yung 15 percent ng kikitain niya bilang co-producer ay ibibigay niya sa 11 sundalong natira at nasugatan. Diretso raw niya ibibigay.

“Minsan kasi hindi mo maiisip kasi dun sa 44 ang atensyon natin, nakakawa e, namatay, eh!  At saka sa Filipino values ‘pag namatayan ka, wala ka nang argument. Tayong mga Pilipino ‘pag namatay, nandoon ‘yung respeto natin sa patay,” bulalas niya.

Marami na raw kasing tumulong sa naulila ng SAF 44. Gusto rin niya na manood sana ‘yung mga pamilyang naiwanan ng Warriors 44 para maibsan ang kanilang pagdadalamhati pero nasa probinsiya na raw ‘yung iba.

Actually, hindi kay Richard Yap naiyak si Ai Ai habang nagtsitsikahan kundi sa nangyari sa Warriors 44.

Kinunan din ng reaksyon si Ai Ai sa mga artista na naglalabas ng opinion nu ‘ng mawala siya sa pag-welcome sa Villamor Airbase. Lalo na sa post ni Judy Ann Santos na kung saan ikinumpara niya si President Noy kay U.S. President Barrack Obama. Ito ang dahilan na i-unfollow ni Kris Aquino ang young superstar.

“Naiintindihan ko naman sila. Naiintindihan ko yung kapwa-artista na nagbibigay ng opinyon nila. Sabi nga natin, freedom of the press and freedom of speech. “Yung kay Juday, nakita ko naman yung IG niya, e. “Demokrasya ‘to, so lahat tayo entitled sa mga opinion natin. “Wala naman siyang sinabing masama dun, e. Pinag-compare niya lang. Sabi nga niya, ‘Just saying.’ Sinasabi lang niya yung opinyon niya. Wala naman siyang masamang sinabi.”

Leave a comment

Leave a Reply