May 24, 2025
Kyla transfers to Kapamilya Network, “I did not burn bridge with Kapuso network.”
Latest Articles

Kyla transfers to Kapamilya Network, “I did not burn bridge with Kapuso network.”

Feb 6, 2015

mildred@bacud

by Mildred Amistad Bacud

A (4) Dating bali-balita lang pero kumpirmado ng lilipat ang R & B and Soul Princess na si Kyla sa Kapamilya network. Last Sunday na ang huling naging performance niya sa ‘Sunday All Stars’ pero giit ng singer naging maayos ang pagpapaalam niya sa Kapuso network.

Masaya daw siya sa kanyang desisyon at hindi siya nagsunog ng tulay.

“I’m still friends with everybody, maganda ’yung closure and they’re all very happy for me.”

Thankful daw siya sa GMA na naging tahanan niya for more than twelve years.

Wala pa raw pirmahan na kontrata ang nagaganap kaya hindi pa niya alam kung anong mga projects ang naka-line up sa kanya pero nakikipag-usap na ang management team niya sa network. Ang sigurado lamang daw siya ay magiging bahagi na siya ng ASAP

Ang Cornerstone Talent Management Center na ang bagong manager ni Kyla, sila rin ang nagma-manage kina Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino at Sam Milby. Kaya naman hindi nakakapagtaka kung mapunta na nga ang singer sa ABS-CBN.

2000 pa nagsimula ang career ni Kyla as a singer. Hindi na mabilang ang achievements na tinanggap niya hanggang sa magdesisyon siyang mag-asawa last November 28, 2011 sa basketbolistang si Rich Alvarez at biniyayaan ng anak. Sandaling nanamlay ang career pero ngayon ay nagbabalik at isa na nga siyang Kapamilya star.

Follow me…

social networkingMildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud

Leave a comment

Leave a Reply