May 23, 2025
Tabloid will surely boycott James Reid with his statement, “People Who Read The Tabloids Deserve To Be Lied To.”
Latest Articles

Tabloid will surely boycott James Reid with his statement, “People Who Read The Tabloids Deserve To Be Lied To.”

Feb 6, 2015

roldan@castro
by Roldan Castro

james reid 1 May napipintong boykot kay James Reid ang ilang tabloid showbiz writers dahil sa kanyang post sa Instagram na “People Who Read The Tabloids Deserve To Be Lied To”. Lumalabas na maliit diumano ang tingin niya sa mga tabloids. Paano na kung mag-utos ang mga publishers ng tabloids na iboykot siya at ‘wag bigyan ng espasyo pag promo ng mga projects niya gaya ng pelikula, album, concerts at teleserye? Sino ngayon ang mawawalan?

Hindi napanindigan ni James ang kanyang post sa Instagram dahil binura pagkatapos siyang kuyugin ng reaksyon ng ilang movie press.

“Bakit kaya niya nasabi niya ‘yan? Ano ang pinagmumulan? Ano’ng problema niya? Sinisira niya ang kredibilidad ng mga tabloids,” reaksyon ng isang tabloid writer.  Nakalimutan ni James na napapalapit siya sa masa dahil nababasa siya sa tabloids.

Si James Reid ay isang halimbawa ng mga kabataang artista na hindi nag-iisip kung ikaka-nega niya ang pino-post sa social media.
Sari-saring comment na ang pinapakawalan ngayon ng movie press sa post ng young actor.  Ngayon pa lang siguradong nagsisisi siya sa post niya tungkol sa tabloids.

“Wala pa nga sya sa kalingkingan ni Daniel Padilla at ni hindi pa tumatatak ang pangalan niya sa showbiz bukod sa pagkakahulog niya nang rumampa sya, ganyan na mag-emote? halllllerrrrrr!”

“ ‘Yan ang example ng mga taong nagpo-post nang hindi nag-iisip., Artista siya at lumalabas siya sa tabloids – interviews niya, pelikula niya, projects niya. tapos ganyan ang ipo-post nya? So, kasama siya sa nagsisinungaling na sinasabi niyang binabasa ng mga tabloid readers? May sapi ba siya?”

“Kulang lang yan sa pansin kaya dapat lang wag na lang pansinin forever. Good or bad is still publicity. Siguro hungry lang siya for publicity. Yun na!”

“I suggest guys, WAG natin sya isulat. Wag na mag comment sa post nya as if walang ganun, yung hindi sya nag exist. Kung pag-aksayahan natin sya ng espasyo, siya lang makikinabang. Parang wala lang. Diyos ko! SINO BA SIYA?!”

“Isang matinding press statement na hindi ilalabas sa anumang tabloid kungdi dito lang sa FB tapos pirmahan natin. Time to show them the power of the pen!,” sey pa ng isang katoto.

Follow me…

social networkingRoldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro

Leave a comment

Leave a Reply