May 22, 2025
Be meticulous in acquiring a car, especially a luxury car
Rodelistic

Be meticulous in acquiring a car, especially a luxury car

Feb 7, 2015

Rodel

by Rodel Fernando

PGA Cars Bago ako magsimulang magkuwento sa aking kolum ay nais kong magpasalamat sa mga taong bumati, nakaalala sa aking kaarawan noong February 2. Maraming salamat po!!

Ingat-ingat rin mga kababayan kung may balak ang sinoman na bumili ng luxury cars ngayong mga panahong ito dahil hindi kayo makakasiguro kung ang mabibili nyo ay in good shape ‘ika nga o matino ito.

Ayon kay retired Air Force coronel at isang businessman na si Ricardo Nolasco Jr., diumano siya ay nabiktima ng isang kumpanyang nagbebenta ng mga luxury car. Sa aming kaswal na usapan, binaggit ni Mr. Nolasco na, “ang Audi A6 3.0 na sasakyang nabili ko nuong May 2014 sa PGA Cars Inc. ay depektibo.”  Kung sa ayon sa pahayag ni Mr. Nolasco, ibig sabihin ay sira ang mamahaling sasakyan na binayaran niya ng malaking halaga sa naturang kumpanya.

Sa kuwento nga ng negosyante, after two days na pagka-deliver ng kanyang sasakyan sa kanilang bahay ay ginamit niya ito at dito nagsimulang malaman niya na may problema sa nabili niyang sasakyan.

“Ang una naming nakitang glitch ay dun sa airbug, lumalabas sa computer monitor that there’s something wrong.

Tinawagan ko yung agent ko na nag-aasikaso ng aking account para ipa-check ang sasakyan, ang sabi niya huwag daw muna kasi bago ang sasakyan at nag-aadjust lang. After two days, hindi nawawala ang computer glitch eh kung biglang lumabas yung airbug sa mukha ko maaaksidente ka.”

Ayon pa sa aming kwentuhan ay may mga na-discover pa siyang defect sa sasakyan gaya ng CD player ay hindi umaandar. Sa kanya pa ring kuwento ay pumayag na ang kanyang ahente na ipasok na ito sa Audi para magawa at naayos naman pero pansamantala lamang ito dahil bumalik na naman ang dating problema ng sasakyan.

Labis ang pagkadismaya ng dating Col. sa bagay na ito dahil hindi nga naman biro ang halagang pinambili niya sa mamahaling Audi car na pinag-ipunan niya ng mahabang panahon. Bakit nga naman niya ito babalewalain kung buhay niya at pamilya niya ang nakasalalay? Baka madisgrasya pa sila habang gamit ang naturang depektibong sasakyan.

Ang gusto na lang niyang mangyari ay palitan o kaya ay ibalik ang sasakyan at isauli ang perang binayad niya pero hindi pumayag ang PGA Cars sa bagay na ito. Idinulog ito ni Mr. Nolasco sa DTI (Department of Trade and Industry) at nag-file siya ng kaso. May mediation’g naganap sa pagitan ng dalawang kampo ngunit hindi pabor dito ang negosyanteng si Nolasco. Kaya ngayon, ay umaasa siya na maging batas na ang Lemon law na magbibigay proteksyon sa mga mamimili ng sasakyan laban sa mga depektibong produkto ng mga kumpanyang gumagawa nito.

Ipinaglalaban niya ito at hinaharap hindi para sa sarili lamang niya kundi sa kapakanan ng iba pang consumers na puwedeng malagay sa sitwasyon niya. Sabi nga niya, kailangang mag- ingat lalo pa’t ang perang ipambibili ay pinaghirapan. Para sa DTI, huwag balewalain ang bagay na ito dahil kung kapakanan ng mga Pilipino ang pinapangalagaan ninyo, ito ay isang malinaw na kaso ng pang-aapi sa isang consumer. Samantala, bukas ang kolum na ito, ang Rodelistic sa panig ng PGA Cars Inc.

Si Ricardo Nolasco Jr. ay retired Air Force coronel at isang businessman na ama ni Hannah Nolasco, isang rising star na kamakailan ay nag-launch ng  kanyang album na collection ng 12 Original Pilipino Music songs na lahat ay mula sa panulat ng certified hitmaker na si Boy Christopher Ramos Jr.

DISCLAIMER:  Views expressed are that of the author and do not necessarily reflect the opinion of the Philippine Showbiz Republic and its publishing company, DCPManagers Inc.

Leave a comment

Leave a Reply