May 22, 2025
Kim and Gerald performs in ASAP 20 professionally; a manifestation of being able to move on from a breakup
Latest Articles This is it!

Kim and Gerald performs in ASAP 20 professionally; a manifestation of being able to move on from a breakup

Feb 9, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

Gerald AndersonNung Linggo ng hapon ay ginanap ang presscon ng ASAP 20 sa Cities Event para sa kanilang ika-20th anniversary. Pero bago ang presscon ay nag-perform muna ang ilan sa mga regular mainstay nito gaya nina Aiza Seguerra, Kean Cipriano, Richard Poon, Jed Madela, KC Tandingan, Zsa-Zsa Padilla, grupong Gimme 5 sa pangunguna ni Nash Aguas, Morisette Amon, Marcelito Pomoy, Klarrise de Guzman, Martin Nieverra, Piolo Pascual, Gary Valenciano, Gerald Anderson at Kim Chiu. Para tuloy kaming nanood ng ASAP ng mga oras na ‘yun. Sina Robi Domingo, Alex Gonzaga, Nikki Gil at Martin ang nagsilbing host na nagpakilala sa mga performers. Pero sa lahat ng performers, ang napansin ay sina Kim at Gerald. Tinukso sila ng entertainment press dahil first time silang nakita na nagsayaw na silang dalawa lang with back-up dancers after ng kanilang break-up. Kadalasan kasi ay may mga kasama sila kapag nagsasayaw sila sa ASAP para hindi sila magkailangan kahit pa naka-move on na sila pareho sa nangyaring hiwalayan nila. Pero ayon naman kay Kim, dapat daw ay kasama nila roon si Rayver Cruz, kaya lang ay nagkasakit daw ito kaya hindi nila nakasama.

SONY DSCAnyway, dahil anniversary ng ASAP 20, kaya sa mas malaking venue ito gaganapin sa February 22 (Sunday), sa Mall of Asia Arena. Masasaksihan ulit sa center stage ang dating mga grupong The Hunks, Coverboys at ang Kanto Boys composed of John Lloyd Cruz, Billy Crawford, Luis Manzano at Vhong Navarro. Hindi rin pahuhuli sa pasiklaban ang ultimate musical collaboration nina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Bamboo at Sarah Geronimo na susundan ng jaw dropping performances of ASAP hosts na sina Martin Nieverra, Pops Fernandez, Ariel Rivera, Zsa Zsa Padilla, Richard Poon, Kuh Ledesma at Gary Valenciano sa kanilang pinakahihintay na reunion. World-class Filipino talent naman ang siguradong ipapamalas nina Arnel Pineda, Charice, Jed Madela, Erik Santos, Angeline Quinto kasama ang surprise OPM guests sa kanilang once in a lifetime collaboration. Maki-jamming naman sa masayang kantahan ng ASAP Sessionistas.

Marami pang magagandang performances ang mapapanood sa anniversary ng ASAP 20. Kaya huwag kaligtaang panoorin ang nangungunang Sunday variety show sa telebisyon sa February 22, Sunday.

______________________________________________________________________________________________________

Nalungkot kami nang mabalitaan namin na diumano’y may lung cancer ang isang beterana at award-winning actress. ‘Yun daw ay nakuha niya dahil sa pagiging chain smoker niya. Kilala nga kasi siya sa pagiging malakas manigarilyo bukod pa sa malakas din siyang uminom ng alak.

Sino siya? Basta yung nabanggit naming beterana at award-winning actress, ‘yun na ang clues namin. Wish namin siyempre ang kanyang paggaling dahil isa kami sa mga humahanga at nagmamahal sa kanya.

______________________________________________________________________________________________________

rose annKasama sina Rose Ann Pacheco at Yedda Marie de Guzman sa indie film na “Piraso” mula sa direksyon ng aming kaibigang si GM Aposaga. Gumaganap dito si Rose Ann bilang si Enyang, na isang baliw na kaya siya nagkaroon ng sakit sa utak ay dala ng walang makain sanhi ng kahirapan sa buhay. Nag-audition sa pelikula si Rose Anne at dahil sa husay sa pag-arte kaya napili at napasama siya rito. Ang eksena na memorable para kay Roseann sa pelikula ay ‘yung nagnakaw siya sa isang tindahan, nahuli at sinabunutan. yeddaPangarap niya na makatrabaho sa isang serye si Nash Aguas dahil bukod sa crush niya raw ang bida sa Bagito ay napakahusay daw nitong umarte.

Gaya ni Rose Ann, nag-audition din si Yedda bago siya napasama sa pelikula. Ang role niya rito ay tagabantay ng mga bata sa orphanage. Ang lesson na natutunan niya sa paggawa ng pelikula ay huwag mawawalan ng pag-asa sa lahat ng pagsubok na dumarating sa buhay na dapat itong harapin, na hindi dapat mawawalan ng pag-asa para bumangon at magsimula muli. Si Daniel Padilla ang wish ni Yedda na makatrabaho dahil bukod sa crush niya raw ito ay isa rin daw ang ka-loveteam ni Kathryn Bernardo sa pinakamahuhusay na young actors ngayon.

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply