
Charice, on her effortless rendition of ‘Let It Go’
by Mildred A. Bacud
Matapos naging viral ang video ni Charice habang kumakanta ng ‘Let It Go,’ naging worldwide trending din ang kanyang performance sa ASAP last Sunday singing the same song. Hinangaan siya sa effortless at mapuso nitong pagkanta. Maging ang broadway diva na si Lea Salonga ay napa-cheer sa kanya sa audience. Matagal na panahon na kasing hindi naririnig ng fans ang matataas at birit songs ni Charice. Mula kasi ng mag-come out siya ay tila naiba na rin ang choice of songs niya.
https://www.youtube.com/watch?v=LgH1AW7tjWM
___________________________________________________________________________________
Almost 5 months na ang pinagbubuntis ni Jennica Garcia. Ayon sa kanyang asawa na si Alwyn Uytingco, they are expecting a baby boy kahit na hindi pa naman nagpapa-gender ultrasound. Malakas raw kasing manipa ang baby sa tiyan. Excited ng maging ama ang aktor. Nagpapasalamat naman siya sa parents ni Jennica na si Jean na nagregalo raw ng iPad sa asawa samantalang ang ama nitong si Jigo ay nagbigay naman ng mga gamit ng bata.