
Jam Sebastian, in his stage 4 lung cancer battle; asks for mercy killing

Patuloy na lumalaban at nakaratay sa ospital dahil sa sakit na lung cancer si Jam Sebastian, ang ka-partner ni Michelle Liggayu na Youtube sensation at kilala bilang JaMich. Nakilala ang dalawa dahil sa viral videos nila tungkol sa love and relationships. March last year nang ma-diagnosed si Jam ng stage 4 lung cancer at mula noon ay halos sa ospital na ito nakatira at pinaglalabanan ang nasabing sakit.
Updated naman ang mga nagmamahal kay Jam dahil namo-monitor nila ang kalagayan ng binata sa pamamagitan ng social media account nito gaya ng Twitter, Instagram at Facebook. Maging ang kapatid nitong si Yexel Sebastian at si Michelle ay palaging ipinapaalam ang kundisyon ng binata.
But last week ay marami ang nalungkot nang ipaalam ng pamilya ni Jam ang ‘hiling’ ng binata. Gusto na raw nitong sumuko sa sakit na nararamdaman.
“Dapat two weeks ago pa yung chemotherapy niya. Sabi niya, gusto niya magpalakas muna bago siya magpa-treat. Until now, walang treatment na ginagawa sa kanya… kahit BP [blood pressure reading] o kahit vital signs o dextrose,” pahayag ng mother ni Jam na si Mrs. Maricar Sebastian sa interview nito na lumabas sa Startalk noong Sabado.
Ayon naman sa kapatid ni Jam na si Yexel, maging ang hangin nga raw na lumalabas sa aircondition ng kuwarto nito sa ospital ay napakasakit para sa pasyente.
Labis din daw ang lungkot na kanilang naramdaman nang makatanggap sila ng text mula kay Jam na nagsasabi ng…“Nag-send siya ng text sa amin, sabi niya na i-consider yung mercy killing kasi nahirapan na raw siya,” kuwento pa ng kapatid.
Ayon naman sa mother ni Jam, “Meron palang ganitong klase ng buhay na hindi mo alam kung anong dasal ang gagawin mo sa panahon na ito. Noong nabasa ko yun, [text message], umiyak ako. Sabi ko, ‘Anak, lahat ng gusto mo, dati hihingiin mo at ibibigay ko. Pero this time, hindi. Hindi ko ‘to ibibigay. Hindi tayo susuko.’ “Lagi niyang sinasabi, ‘Ma, pagod na pagod na ko.’
“Gusto na niya manahimik. Gusto na niya magpahinga. As a mother, hindi mo naman puwede ibigay sa kanya… Sabi ko sa kanya, ‘Anak, huwag tayo susuko. Laban lang tayo.’ Ang Diyos, hindi napapagod sa pagbigay sa ‘yo ng buhay’,” sabi pa ng ina.
Umaasa rin ang ina ni Jam na may miracle na mangyayari sa paggaling ng anak at maging sa planong pagpapakasal nito kay Michelle.
“Sa ngayon, parang mahirap mangyari kasi siyempre gusto ng anak ko, ikakasal siya, yung maayos yung sarili niya. At this time, hindi nga siya makatayo, e.”
Samantala, last Sunday ay nagpaunlak naman ng interview si Michelle upang ipaalam sa publiko ang tunay na kalagayan ng boyfriend.
“Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Hindi ko alam kung gusto ko bang sabihin na lumaban siya. Pero kapag gusto ko sabihin ‘yun sa kanya, lalo na nung nakita ko siya kahapon na hirap na hirap na hirap na po, may part sa akin na ayaw ko na maramdaman niya pa yung ganun.”
“Kahapon ‘yung pinaka-worst na naramdaman ko na nakita ko siya. Lately sobrang nakikita ko na ‘yung paghina niya, ‘yung pagbago ng ugali niya. Palagi kong tina-try magpigil ng tears when I’m around Jam kasi ayaw kong nakikita niya na nahihirapan din ako. Pero kahapon hindi ko napigilan maiyak,” sey ni Michelle.
Hindi rin daw niya matatanggap ang hinihiling ni Jam na tapusin na laban nito sa sakit.
“Nagulat ako kasi ang haba, bago ko pa mabasa. Hindi naman siya nagte-text kasi nahihirapan siya. Nung nabasa ko, natulala ako. Hindi ko alam yung ire-react ko. Parang hindi siya nag-sink in sa akin agad. Binasa ko ng madaming beses. Nung nag-sink in sa akin, doon na ako naiyak ng sobra,” kuwento pa nito.
Umaasa raw silang lahat na magkakaroon ng miracle talaga para kay Jam.
“Gusto ko malaman niya sana laliman niya ang faith niya kay Lord kasi kapag may faith ka kay Lord, magiging at peace ka sa kahit anong situation… Sana maramdaman finally ni Jam ‘yung love ni Lord, ‘yung embrace ni God,” sabi pa ni Michelle.
Meanhwile, ilan naman sa showbiz personalities na dumalaw at nagpapakita ng suporta kay Jam ay sina Vice Ganda at Jhong Hilario.
Post nga ni Michelle sa kanyang IG account sa pagdalaw ni Vice sa kanyang boyfriend. “Priceless. Nag-kwento siya kay Vice Ganda eh minsan lang siya makapag salita ng matagal. Nakakatuwa makita siyang ganun. Super happy siya kanina.”
Post naman ni Vice sa kanyang IG account… “He wished to see me again and so i visited him. Thank you so much Lord for allowing me to touch someone’s life today.
“And also for allowing me to be touched by someone’s journey. Keep the faith Jam. Miracles happen everyday. God bless you!”
Very thankful naman ang brother ni Jam na si Yexel sa pagdalaw din ni Jhong sa kapatid. Post din nito sa kanyang IG account.
“Salamat Kuya Johng and Ate Maia and whole Family. Kahit Busy kayo ay nakapagbigay kayo ng oras. God bless =)”
Kahapon, February 9, ay nag-post naman ng update si Yexel tungkol sa kalagayan ni Jam:
“Sa mga oras na ito ay milagro ang nangyayari kay Jam. GRABE KA LORD! Ang hirap paniwalaan, maraming salamat po. Wala pong kapantay ang pagmamahal at hiwaga niyo.”
And from your Philippine Showbiz Republic (PSR) family, get well soon Jam and we will continue to pray for your complete healing.
Follow me…
Mary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9