May 24, 2025
Ai Ai cancels pre-Valentine concert
Latest Articles

Ai Ai cancels pre-Valentine concert

Feb 12, 2015

by Leony R. Garcia

Yes, you read and you heard it right! Cancel na ang Ai Heart Papa concert.

Super imbyerna nga ang beauty ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai Delas Alas dahil hindi na matutuloy ang kanyang concert na Ai Heart Papa na dapat ay gaganapin ngayon sa Solaire Resort and Casino.

Di umano, nagkaroon muli ng problema sa producers ng show. Una nang napabalita na umatras sa pagiging special guest niya sa concert si Richard Yap dahil sa di pagkakasundo sa kanilang contract sa producers.

Ipinalit kay Ser Chief sina Aljur Abrenica at JC De Vera as special na mga papa sa concert.

Miyerkules ng hapon, February 11, nang malaman ni Ai-Ai na hindi pa raw nabibigyan ng down payment ang production crew. Kaya nagpasya ito na maging co-producer ng show at ituloy pa rin ang concert sa kundisyong huwag magpapakita sa kanya ang producer dahil sa malaking problemang ibinigay nito.

PlatinumKaraoke_01

Pero kinagabihan, nalaman ni Ai-Ai na hindi pa rin diumano binabayaran ng original producer ang venue kaya nagdesisyon ito na tuluyan ng kanselahin ang concert.

Humihingi si Ai-Ai ng paumanhin sa lahat ng mga bumili ng tickets at naapektuhan ng kahihiyan na ginawa ng producer ng show. Ayon sa Comedy Concert Queen, puwedeng-puwede niyang saluhin ang mga responsibilidad ni Fernandez at ituloy ang concert, pero ayaw raw niyang mawili ang concert producer at para hindi na ito makabiktima pa ng ibang mga artist.

Asahan ang isang press conference ni Ai Ai sa araw na ito para magpaumanhin sa mga nakabili na ng tickets sa kanyang pre-Valentine concert. Magbibigay ng anunsiyo ito kung paano mare-refund ang kanilang pera.

Ang bahagi ng kikitain sana sa Valentine concert ay ibibigay ni Ai Ai sa labing-isang pulis na sugatan sa engkuwentro sa Mamasapano. Matatandaang isa si Ai Ai sa mga nakiramay sa mga naulila ng Fallen 44. Anya, mabigat sa kanya ‘yon dahil meron siyang pulis na pamangkin.

Pero mas pinili niyang tulungan ang mga survivors dahil marami ng tulong ang nakalaan sa mga naulila ng mga nasawi sa trahedya.

Kilos Kaayusan, Ai Ai being part of a foundation

Good thing, hindi lang showbiz ang tinututukan ni Ai Ai sa ngayon. Inalis man niya ang planong pasukin ang pulitika, bahagi naman siya ng isang foundation na Kilos Kaayusan.

“Kasama ako sa council ng Kilos Kaayusan. Wala pang schedule. Kaka-launch pa lang. Siguro bawat isa sa amin, pupunta kami sa pro­binsiya para magkaroon ng outreach programs. Parang doon ako nakaatas sa mga nanay,” sabi.

So expect a busier Ai Ai sa outreach programs in the coming days.

Leave a comment

Leave a Reply