May 24, 2025
Vin Abrenica, expresses gladness on Aljur’s return in showbiz; conveys respect with gays particularly in the industry
Latest Articles

Vin Abrenica, expresses gladness on Aljur’s return in showbiz; conveys respect with gays particularly in the industry

Feb 12, 2015

oghie@ignacio
by Oghie L. Ignacio

jasmine-boys-article-p-slideshow-07 Nitong nakaraangpanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa guwapong young actor ng TV5 na si Vin Abrenica ay masaya siya sa balitang pagbabalik telebisyon ng kanyang machong utol na si Aljur matapos ang ilang buwan ding pagkawala sa limelight sa iba’t-ibang intriga at kontrobersiyang kinasangkutan nito bago magsara ang taong 2014.

“As what I’ve told you nung ma-interview n’yo ako before, hindi naman talaga totally ano…titigil na sa showbiz si Kuya Aljur,” bungad nito sa amin kaugnay ng nilabasan nilang ‘Wattpad: The Fake Fiancé’ ng rumored lover niyang si Sophie Albert.

“Kasi napamahal na rin sa kanya ang showbiz kaya I’m sure na magtutuluy-tuloy pa rin siya sa kanyang career. And I’m happy to know na ano…magbabalik na nga siya ulit after na kahit papano ay mapahinga siya,” katuwiran pa nito sa amin.

Nakatulong din naman daw kay Aljur ang pansamantalang pamamahinga nito at pagiging inactive sa showbiz dahil may mas importanteng bagay siyang pinagkaabalahan nu’ng mga panahong kabi-kabila ang intriga at batikos sa kanyang biglaang desisyon na umalis sa Kapuso na ngayo’y kanyang binabalikan.

“In a way maganda rin ‘yung nangyari na ‘yon kay Kuya, dahil naasikaso niya ‘yung personal business namin na restaurant dahil siya mismo ang nagsu-supervise. At mas nagkaroon kami ng bonding ng buong pamilya namin. Lagi kaming magkakasama at hindi mapapantayan o mababayaran ng kahit ano…’yung pagba-bonding naming ‘yon na talagang masaya,” katuwiran pa sa PSR ni Vin.

“Pero siyempre, napagisip-isip din niya na ano…iba pa rin ‘yung showbiz. Kaya hindi niya basta-basta tatalikuran ‘yon. Siguro ano lang…gusto lang muna niyang mabigyan ng space ang sarili na makapag-isip mabuti sa gagawin niyang desisyon ulit. Until he realized na ano…gusto pa rin niya ang buhay showbiz kahit magulo at maintriga,” dagdag pahayag pa niya.

 

Vin, a graduate of Culinary Arts

Hilig daw ni Vin ang pagluluto at pangarap niyang maging sikat na Chef o pagtuunan ng pansin ang nasabing larangan dahil graduate siya ng Culinary Arts at magandang fall back niya ‘yon once na hindi na siya magpakaaktibo sa pag-artista ika nga.

“Even before pa talaga, hilig ko na ang pagluluto. Sayang naman kasi kung hindi ko i-pursue ‘yon dahil culinary arts graduate pa naman ako ‘di ba? Pero I need to practice pa rin when it comes to cooking, kasi hindi ko pa masasabing magaling na magaling akong magluto. Kaya kapag nagluluto ‘yung chef namin sa aming restaurant ay talagang pinanonood ko siya at tinitingnan kong mabuti para mas marami pa’kong matutunan sa field na ’yon,” diretsong sabi pa ni Vin sa PSR.

 

His respect with the members of the third sex

Kung dati-rati’y iwas na iwas daw ang young actor sa mga bading ay agad na nagbago ang kanyang pagtingin sa mga ito lalo na ng mapasok siya sa showbiz na napapaligiran ng mga talentado at mahuhusay na miyembro ng third sex.

“Mahal ko na ang mga bading,” mabilis niyang sagot. “Lalo na nu’ng lumabas ako sa “Beki-Boxer” ng TV5 last year. Mas naintindihan ko na sila at mas naging broad-minded na ang pananaw ko sa gaya nila,” nakangiti pa nitong sabi.

“Nandito pa’ko sa showbiz na maraming naging kaibigan na tulad nila. Mababait naman sila na kailangang irespeto at mahalin bilang mga kaibigan. Although, may iba rin naman kasing bading na ano…’yung hindi nirerespeto ang kanilang sarili kaya iba ang tingin sa kanila ng mga tao ‘e. But base on my observation lalo na rito sa showbiz, mas marami ‘yung rerespetuhin at mamahalin mo dahil sa kabaitan nila at pagrespeto rin nila sa akin,” pagtatapos pa ni Vin sa panayam ng PSR.

Follow me…

facebook-iconoghie.ignacio

Leave a comment

Leave a Reply