
The other side of the story behind the cancellation of Ai Ai’s pre-Valentine concert
Ayon sa interview ni Arniel Serato (isang kasamahan namin sa industriya) kay Jacob Fernandez na producer ng pre-Valentine concert ni Ai Ai kagabi ay very apologetic itong si Fernandez kay Ai Ai.
Sabi nito, “Number one, gusto kong mag-apologize kay Miss Ai Ai, sobrang gusto kong mag-apologize sa kanya.
“Siguro, kulang sa preparation. Alam niyo, ‘yang concert ng Comedy Queen, gusto natin bonggang-bongga, yung concert, ‘di ba? Bukas [February 12] pa naman ang show, ‘di ba?
“So, malaki pa yung chance na ma-sold out kasi alam naman natin si Ai Ai na malakas sa mga walk-in. Talagang ano lang… gipit na gipit talaga kami sa oras.”
Wala rin daw katotohanan na hindi sila nakapagbayad sa venue ng show.
“Hindi totoo ‘yan. Matagal na akong nagso-show sa Solaire and meron kaming mga arrangements with Solaire.
“Gumagawa kami ng show ni Jaya, ni Ryzza Mae [Dizon]… marami na kaming nagawa for Solaire.
“Meron kaming arrangements for that,” pagliliwanag pa nito.
On the real reason of Richard Yap’s backing out on the concert according to Fernandez
Ang nangyari naman daw kay Richard Yap ay miscommunication between sa producer at sa artist. Sa handler daw sila nakipag-usap imbes na sa Star Magic kaya nu’ng ready na silang bayaran si Richard ay nakakuha na ito ng ibang trabaho.
Sa ngayon daw ay hindi pa sila nagkakausap ni Ai Ai at umaasa siyang maaayos nila ang naging problema.
Mensahe na lang ng producer, “Again, we are very sorry for what happened. I think this is a lesson ba na matutunan, na kailangang may mahabang preparasyon and dapat pag-isipan nang mabuti ang mga bagay-bagay. Kasi gusto natin pasayahin lahat ng tao. So, kami, we are very apologetic. And sana, sa mas magandang timing, maulit ‘tulad ng mga shows namin before.”
Hindi daw nabayaran ng producer ang venue kaya ito ang naging mitsa para mag-decide si Ai Ai na huwag nang ituloy ang concert. Obvious na disappointed ang komedyana at ganoon na lamang ang kanyang galit na nararamdaman dahil sa ginawang ‘pang-aabuso’ sa kanyang kabaitan ng nasabing producer.
Sundan ang aming kaugnay na istorya ukol naman sa mga naging pahayag ni Ai Ai sa issue na ito sa Ai Ai cancels pre-Valentine concert.
Follow me…
Mary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9