May 22, 2025
‘Crazy Beautiful You’, the next blockbuster movie of Daniel and Kathryn
Latest Articles Movies

‘Crazy Beautiful You’, the next blockbuster movie of Daniel and Kathryn

Feb 14, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

Milyon na ang views na nakuha sa You Tube ng pelikulang “Crazy Beautiful You mula sa Star Cinema na pinagbibidahan ng love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ibig sabihin nito, marami ang interesadong mapanood ang nasabing pelikula na showing na sa February 25

 

Crazy-Beautiful-You

 

Pero ayon kay Daniel ay ayaw niyang maging kampante na sigurado nang magiging blockbuster sa takilya ang kanilang pelikula kapag nailabas na ito.

“Siyempre, hindi naman po puwedeng maging confident. Kung ano ang kalabasan ng movie namin, okey lang po. Ibig sabihin, ‘yun lang talaga ang kaya namin,”sabi ni Daniel nang makausap siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa presscon ng Crazy Beautiful You.

Masasabi ba ni Daniel na this time ay may ipapakita na silang maturity ni Kathry sa latest movie nila?

B9pWK8jIcAA_Lq8

“Oo naman, dahil iba na rin yung tinahak namin sa movie na ‘to,”sagot ni Daniel.

“And sobrang totoo ‘yung movie. Hindi siya ‘yung, ‘Puwede bang mangyari yun?’ Ito talaga, lahat puwedeng mangyari,”

‘Yung karakter nila ni Kathryn sa pelikula, puwede niya bang sabihin na parang sila rin ito sa totoong buhay?

“Oo, nagtataka nga ako bakit Kiko ang pangalan ko sa movie, dapat Daniel na lang!” ang natatawang sabi pa ni Daniel.

Aminado naman si Daniel na sa umpisa ay medyo nailang siya sa kanyang role dahil ibang-iba ang karakter niya rito kumpara sa mga naging roles niya before na na maangas.

“Awkward pa ako noong umpisa, parang hindi na ako sanay.

“Yung masamang tingin, hindi na ganun. Ako na yung mataas, so mahirap noong una.

“Pero noong tumatagal, parang nasasanay ka na rin.”

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment