
“With the heartaches I have gone through in the past, I will be very careful now to choose the next girl I will love.” – Ahron Villena
Dahil sa mga past relationship na hindi naging matagumpay ay mas nagiging mapili at pihikan na daw sa pagpili ng bagong iibigin at mamahalin ang lead actor ng TV5’s ‘Wattapad Presents: Cupids Fool’ na si Ahron Villena.
Ani Ahron ng makausap ng Philipine Showbiz Republic (PSR), “Sa mga pinagdaanan ko pagdating sa pag ibig, siguro naman this time dapat sure na ako, dapat alam ko na kung sino ang pipiliin ko. Mahirap kasi na papasok na naman ako sa isang relasyon tapos at the end ako rin yung masasaktan. “Kaya this time dapat sigurado na,
Although sa ngayon, iba muna daw ang focus in Ahron, “Sa ngayon Ayaw ko lang siguro muna ng serious commitment. “Mas gusto ko na mag-focus muna ako sa trabaho ngayon. Matagal na rin naman akong nagbigay ng oras sa pag ibig , kaya katulag nga ng sabi ko this time trabaho muna.
“May mga pinapakilala naman sa akin. Pero gusto ko kasi, hindi naman sa mag-settle down agad, ayoko nang laru-laro.”
Follow me…