May 23, 2025
Angelica Panganiban, still on cloud nine; “it’s a tie” with Superstar Nora Aunor as Best Actress on the 13th Gawad Tanglaw Awards
Latest Articles Uncategorized

Angelica Panganiban, still on cloud nine; “it’s a tie” with Superstar Nora Aunor as Best Actress on the 13th Gawad Tanglaw Awards

Feb 20, 2015

Antazo PSR pic

by Mary Rose G. Antazo

angelica-panganiban3Feeling nasa cloud nine pa rin hanggang ngayon o masasabing “on top of the world” ang feeling ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban na tinanghal bilang Best Actress ng 13th Gawad Tanglaw Awards para sa kanyang mahusay na performance sa pelikulang ‘That Thing Called Tadhana’. Hindi makapaniwala ang aktres na naka-tie niya dito ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor para naman sa pelikulang ‘Dementia’. Isang malaking karangalan daw para sa kanya ito. Sa kanyang speech ng tanggapin ang kanyang tropeo ay sinabi nitong natutuwa siya na ang isang simpleng istorya at ang kanyang pagkakaganap doon ay nagustuhan ng mga kritiko at ngayon ay umaani pa ng papuri. Sa kasalukuyan ay kumita na ito nang mahigit 120 million sa box-office sa loob ng tatlong lingo sa mga sinehan.

And right after the awards night of Gawad Tanglaw na ginanap sa University of Perpetual Help, Las Piñas, halatang hindi pa rin maka-get over si Angel sa tinanggap na parangal dahil sa kanyang performance bilang Mace sa movie na ‘That Thing Called Tadhana’. At sa post niya sa kanyang Instagram account ay sinabi nitong:

wtf

“Thank you #gawadtanglaw naaalala ko tuloy yung journey ni Mace. Iniisip ko bago ako mag shooting, pano ko mag move on?? Eh ang saya saya ng personal kong buhay.. San ko hahanapin si Mace? Naaalala ko yung first night ko bago mag shooting.. D ako makatulog.. Paulit ulit ko lang binabasa yung script. Nag lalagay ng notes.. Basta, aral lang ako ng aral..

“Pero pinaka matindi siguro yung last day namin. Kabadong kabado ako sa monologue ko.. Para kong nasusuka, nahihilo ako. Dahil siguro buong araw na kong nasasaktan kay Mace.. (That girl!!! ) hindi ko pinapansin masyado si jm. Akala yata nilang lahat may attitude ako sa last day namin. pati ang tunay na anthony ng buhay ko, d ko pinapansin.. Hanggang sa natapos namin yung eksena. 12 pages yun direk!”

“[Antoinette Jadaone] hanggang ngayon, bumabaligtad sikmura ko pag naalala ko yung gabing yun. But that particular scene, made me said yes to be Mace Castillo. I love you Mace!! Mahal ka ng lahat ng babaeng minsan ng naging tanga. til we meet again tyang Mace.”

Samantala, bago nag-post si Angelica ng kanyang kaligayahan sa kanyang natanggap na award, ipinahayag din niya ang kanyang pagkainis nang malamang nagkalat ngayon at mapapanood ng libre sa online at sa YouTube ang pelikula niyang ‘That Thing Called Tadhana’.

Matapos ibahagi ang mga nai-tag sa kanyang screenshots, ipinaalam niyang isa ring uri ng piracy ang ginagawa nila.

Sa kanyang mga posts sa kanyang IG account na— Angelica Panganiban (@IamAngelicaP) February 19, narito ang kanyang reaksyon sa issue.

Gusto kaya nila wala ng gawing pelikula ang mga artista? Dahil mawawalan na kami ng trabaho sa pag suporta nila sa piracy..

Kahit kailan d nyo na makikita sa pelikula ang mga idols nyo.. 🙁 mga kinakikiligan nyo? Kasi wala kayong respeto sa trabaho nila..

Respeto lang po sana pare parehas tayong pilipino.. Pero naghahatakan tayo pababa.. Nakakalungkot to.. Grabe.

O sya. Magsi tulog na tayo. At panibagong araw na ulit bukas kagaya ni mace, nag move on. Yun na lang din gawin natin

Follow me…

social networkingMary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9

Leave a comment

Leave a Reply