May 23, 2025
Chief of staff of Gov. Salceda details disapproving acts of Xian Lim in an interview
Latest Articles

Chief of staff of Gov. Salceda details disapproving acts of Xian Lim in an interview

Feb 20, 2015

Compiled by PSR News Bureau

10930146_854837047911673_7109906970793080584_n
© Joseph Philip Lee

Sa published report ni Nancy Ibo Mediavillo ng Radyo ng Bayan-Albay ukol sa kanyang panayam kay Atty. Caroline Cruz, ang chief of staff ni Gov. Salceda ay inisa-isa niya dito ang mga naging akto ni Xian Lim na ikinadismaya ng nasabing chief of staff.

Nabanggit ng abogada na nuong unang pumunta si Xian sa Albay, apat na taon na ang nakakalipas, hindi pa daw malaki ang ulo nito. Kahit daw nakansela ang biyahe ng eroplano nuon ay nagpumilit pa rin siyang mag-perform at sumakay ng van papuntang Albay, bagay na naging appreciative na pahayag ni Atty. Cruz sa kanyang pagwe-welcome kay Xian, “Welcome back to Albay. Maybe this is your second or third time here. You know, I’m so impressed with you because the last time you came here, you really took the van to perform.”

Ayon sa deskripsyon ng abogada sa kanyang pagpapa-interview ay hindi sumasagot ang aktor habang pa-ismid ismid lamang ito at patuloy na nakaupo.

Ito ay naganap nang salubingin niya ito sa The Oriental Hotel bilang opisyal na kinatawan ng Office of the Governor.

Sinabi pa ng abogada na sinalo na lang niya ang pangyayari at sinabing, “umupo ka na lang dahil matangkad ka at maliit lang ako.”

Dahil ang pagsalubong nga ay bahagi ng traditional gift-giving sa mga opisyal na bisita ng pamahalaan ng lalawigan ay sinabi niyang, “Oh we have something for you.” Sa puntong iaabot na ang tshirt, sinabi ng abogada na hinawi ni Xian ang kanyang kamay at sabay sabing, “Huwag po, ayaw ko po.”

Sa kaugnay pang pahayag ni Atty. Cruz ay ikinuwento niyang iniabot na lang niya ang coffee table book at ang quote nya sa pahayag ni Xian ay, “I did not come here to promote Albay.”

Ang ginawa na lamang ni Atty. Cruz, na marahil ay to save face ay sinabi niyang, “Itago na yan ayaw pala niya,” sabay sabing “picture na lamang kami.”

Umalis na ito matapos ang pangyayari at sumunod na ang kanyang mga staff at photographer. Ayon pa sa isang quote ni Atty. Cruz na sinabi ng isa sa mga taong kasama niya roon ay, “Ma’am iniwan na namin ang bastos at mahal pa naman ng bayad sa kanya.”

Nailahad din ng abogada kung papaanong sumakit ang ulo niya isang araw bago ang okasyon dahil sa diumano ay ayaw sumakay ni Xian ng economy flight patungong Albay at iba pang mga detalye ng pag-book ng flight dahil na rin sa pagpupumilit diumano ni Xian na makasakay ng premium economy dahil wala ngang business class ang Albay dahil sa ito ay 45-minute flight lang.

Sa pagpapatuloy pa ng interview ay nai-reiterate ng chief of staff na bahagi ng pagkilala ni Governor Salceda sa malakas na ugnayan ng Filipino-Chinese Community sa Pamahalaang Panlalawigan ng Albay at malaking kontribusyon sa ekonomiya ng lalawigan ay ang pagiimbita ng mga Filipino-Chinese talent kung saan, ang pangalan ng mga artistang gusto nilang mapanood sa okasyon gaya nina Jose Mari Chan, Enchong Dee, Kim Chiu, Xian Lim at iba pa. Ipinaliwanag din ni Atty. Cruz na si Xian ang bakante at available sa okasyon ng Fiesta Tsinoy.

10989137_399368900188091_2329427231817730665_n

Leave a comment

Leave a Reply