May 23, 2025
Blind Fold

Young actor who is cashless since income goes straight to his manager; borrows money from our colleague

Feb 21, 2015

mildred@bacud
by Mildred Amistad bacud

Sino ang young actor na tutukuyin namin na totally ay hindi nakakahawak ng pera dahil lahat ng kanyang kinikita ay derecho agad sa kanyang manager?

Kawawa naman ang young actor na ito na bida sa aming blind item. Paano’y hindi daw nito nahahawakan ang mga kinikita niya at dumidiretso kaagad sa kanyang manager. Kuwento ng aming source sa isang show sa probinsya ay wala man lamang daw dalang cash ito. Dahil nasa probinsya, gusto raw sanang bumili ni young actor ng mga pasalubong na delicacies sa kanyang pamilya pero wala naman ito kapera-pera. Naawa na lamang ang aming source at nag-offer na lamang na pautangin ng dalawang libo. Kinuha naman daw ni young actor. Esplika nito lahat pala talaga ng kinikita niya ay nakuha na ahead ng kanyang manager kaya wala siyang hawak na pera. Pero lumipas ang ilang buwan ay nakalimutan na ring bayaran ni young actor ang inutang na pera sa aming source. Bagay na pinalagpas na lamang ng aming source.

Clue: Young actor, cute at isa rin sa mga most-sought na artista sa mga teleserye na kamakailan ay nagkaroon ng love problem.

Follow me…

social  networkingMildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud

Leave a comment

Leave a Reply