May 22, 2025
“Pinoys are known for their ingenuity. They could be world-class,” principle behind the establishment of Sinag Maynila – Brillante Mendoza
Latest Articles Movies

“Pinoys are known for their ingenuity. They could be world-class,” principle behind the establishment of Sinag Maynila – Brillante Mendoza

Feb 23, 2015

arseni@liao
by Arsenio “Archie” Liao

unnamedIsa sa mga dahilan sa pagtatatag ng internationally acclaimed and award-winning director Brillante Mendoza ng Sinag Maynila ay ang kanyang malaking tiwala sa kakayahan ng mga Pinoy filmmakers.

“Pinoys are known for their ingenuity. They could be world-class,” sey ni Direk Dante.

Ano ang kaibahan ng Sinag Maynila sa ibang independent film festivals sa bansa?

“It will allow them to showcase more of their work. It’s another avenue and opportunity para maipakita ang kanilang galing. Mas maraming festivals, mas maraming pagkakataong makapaghatid ng marami pang kuwento lalo na ang mga independent filmmakers,” paliwanag ni Direk Brillante. “Pero unlike other festivals, mas filmmaker-friendly ito,” dugtong niya.

Filmmaker-friendly in what sense?

“Iyong ownership ng film, may rights sila although hindi lahat. I think, we have better terms than other festivals. Filmmaker rin ako at alam ko ang mga problemang kinakaharap ng mga filmmaker. Siyempre, objective rin namin na aside from local exhibition, magkaroon sila ng international release,” paglilinaw niya.

Saan nga pala nanggaling ang inspirasyon mo na pangalanan itong festival as Sinag Maynila?

“We want to create hope in our filmmakers, to inspire them to do movies that are worth telling. To tell stories of Filipinos in the most compelling visual narrative possible. So, iyong sinag signifies  hope for our filmmakers.”

Ano ang masasabi mo na walang full-length feature films sa Cinemalaya ngayong taon?

“Nalulungkot ako pero kung anuman ang internal issues nila, hindi ko alam.”

Taunan na ba ang festival na ito o subok lang ito kung tatangkilikin ng mga tao?

“Yes. It will be a yearly thing. Nakasaad iyon sa terms namin noong i-conceptualize namin”.

Inaasahan ba naming gaganapin siya tuwing Marso ng bawat taon?

“Iyong buwan, hindi ko pa masasabi.. Itong taon lang ngayong Marso kasi karamihan ng mga international film festival natin [ay] ginaganap sa second quarter. Iyong iba sa kalagitnaan ng taon at meron ring third quarter, so kung ipapasok siya, puwede siya sa mga festival abroad”.

Maliban sa theatrical run ng mga kalahok sa Sinag Maynila, may tie up na rin sa mga eskuwelahan na ipalabas ang mga ito.

Ang mga entry sa kauna-unahang Sinag Maynila film festival ay ang mga sumusunod:

‘Balut Country’ ni Paul Sta. Ana;
‘Ninja Party’ ni Jim Libiran;
‘Imbisibol’ ni Lawrence Fajardo;
‘Bambanti’ (Scarecrow) ni  Zig Dulay; at
‘Swap’ ni Remton Siega Zuasola.

Follow me…

social networkingarsenio.liao
@artzy02

Leave a comment

Leave a Reply