May 23, 2025
Angel Locsin wins the Best Performance award at 13th Gawad Tanglaw; Reacts on Luis’ confirmation that she’s the latter’s “the one”
Latest Articles

Angel Locsin wins the Best Performance award at 13th Gawad Tanglaw; Reacts on Luis’ confirmation that she’s the latter’s “the one”

Feb 24, 2015

Antazo PSR pic
by Mary Rose G. Antazo

Very happy ang Kapamilya actress na si Angel Locsin nang tanggapin ang kanyang tropeo as Best Performance by an Actress para sa teleseryeng ‘The Legal Wife’ sa 13th Gawad Tanglaw Awards. Ka-tie niya dito si Julia Montes para sa seryeng ‘Ikaw Lamang’.

Angel Locsin
Sa kanyang speech ay inialay niya ang award sa mga taong nagmamahal at nasaktan. Very memorable daw sa kanya ang ‘The Legal Wife’ dahil marami siyang luha at emosyong ibinuhos dito para sa kanyang karakter. At sulit naman daw dahil na-recognize ang kanyang husay sa pagganap.

At sa Instagram post ni Angel after the awarding ceremony ay nagpahayag ito ng kanyang pasasalamat.

wa

“Maraming salamat po Gawad Tanglaw sa Best Actress Award! Salamat po sa paniniwala Mabuhay po ang mga teachers! Isa po ako sa mga nagdarasal na mas maging maganda ang mga benefits ng mga guro. Para po ito sa lahat ng mga bumuo ng The Legal Wife, kasama po kayong mga nagmahal sa kwento at sa show 🙂 to my dear Angels, mahal na mahal ko kayo! MARAMING SALAMAT PO congratulations also to @montesjulia08 na binigyan rin ng recognition for ikaw lamang! 🙂 congrats po sa lahat ng mga awardees!”

Samantala, inusisa din kay Angel ang kanyang lovelife at naitanong kung susunod na ba sila ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano sa mga posibleng ikasal ngayong taong ito? Sunud-sunod kasi ang showbiz’ weddings kaya’t marami ang naghihintay sa kanilang announcement? Sigurado na ba siyang siya ang “the one” ni Luis?

“Sige, pero sabi niya kasi mag-ipon daw muna,” nangingiting sagot ng dalaga.

Mukhang sigurado naman sila sa isa’t isa ni Luis…

“Kung ma-engage kami this year, up to five years, 10 years… Ako naman kasi I’m very sure kung ano ‘yung nararamdaman ko sa kanya,” sagot ng aktres.

“Wala naman akong ibang nakikita na gusto kong makasama habang buhay, ‘di ba? Kaya okay na ‘ko, okay na ‘ko. Masaya ako kung ano ‘tong shine-share namin na napaka-espesyal nga naman. Itong together again namin,” pag-amin pa ni Angel.

Hiningan din ng reaksyon si Angel sa sinabi ni Luis na para sa kanya ay si Angel na ang kanyang “the one” at wala na raw siyang hahanapin.

“Dapat lang naman. Kundi, lagot siya sa’kin!” mabilis na tugon ni Angel.

Follow me…

social networkingMary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9

Leave a comment

Leave a Reply