May 24, 2025
Isabel Oli amazingly narrates John Prats’ proposal; Still can get over it, watches marriage proposal video repetitively
Latest Articles

Isabel Oli amazingly narrates John Prats’ proposal; Still can get over it, watches marriage proposal video repetitively

Feb 26, 2015

john@fontanilla
By John Fontanilla

Until now ay na-a-amaze pa rin si Isabel Oli ‘pag napapanood nito sa video ang naging proposal sa kanya ni John Prats. Pagkukuwento pa nito ng mag guest sa ‘Tim Yap Show’ kamakailan na wala siyang kaalam-alam na magpo-propose na si John ng gabing iyon, ani Isabel.

“Yung proposal , wala talaga akong idea about it, nag instagram pa nga ako about it kasi may flash mob so kailangan nila ng tao para doon,

https://www.youtube.com/watch?v=fenTcv2gDm0

“John tell’s me it’s for telecon, nag-instagram pa ako na we need people. Kasi John has event management kasi eh, akala ko event namin yun .

“Tapos yung mga friends namin ni John pinapa-repost namin yung pinost ko sa instagram.

“Almost 300 na tayo yung sumali sa flash mob, ganun kadami.

“Pero nakakatuwa kasi some of them came from the province, tapos hindi kami nagbayad at all.

“Basta gusto lang nilang maging part nun, ewan ko din kasi hindi ko naman alam kung anong naging deal nila,

“Tapos yung day na yun is the birthday of John’s mom, parang may party doon sa Eastwood, hindi ko talaga alam, kaya naka dress up talaga kasi for the party,

“Tapos si Camille nandun siya buong araw nag-shopping kami online, andami niyang problema like ito ba bagay ba ito sa ganitong suot,

“Tapos, shopping-shopping kami sa Eastwood, tapos nakita namin si Sam (Milby) nasa gitna ng Eastwood nagpi-piano,

“Tapos naisip ko na parang nakakahiya naman na nagmall show ka (Sam) tapos dumadaan sa gilid yung mga friends mo,

“Tapos tinanong ko siya, Sam anong show mo, sabi ko nga bongga namang mall show ito pinasara yung Eastwood tapos may sumasayaw,

“Tapos may humila sa akin, everything went fast, lahat ng tao sumasayaw, inisip ko na lang na ito yung sa flash mob,

“Sabi ko, ‘my gosh today pala ito,’ pero inisip ko kung bakit kami pinaakyat sa stage na maliit, parang libre sila ng appearance dito,

“Apat kami eh si Sam , ako , si Camille at si Naiomi,

“Iniisip ko na wala kaming talent fee dito kay hinihila ko pababa si Camille, sinabi ko sa kanya na wala kaming talent fee dun,

“Sabi ko sa kanya, baba ka na , ano ito libre ha ha ha, dapat may bayad ito,

“Tapos nakikita ko si Camille naiiyak na siya, sabi ko sa kanya, ano ka ba parang they want us to dance, kasi nga lahat ng makita kong tao sumasayaw,

“Inisip ko na parang Zumba itong malaki, ang daming pumapasok sa mind ko noon , buti na lang sinabihan ko si Camille na bumaba na kami, pero sinasabi niya sa akin na dyan ka lang habang naiiyak siya, basta dyan ka lang,

“Doon parang naiyak na ako, kasi nakikita ko siyang umiiyak, tapos lahat ng taong nandun nakapoint sa screen, tapos ang daming sinasabi si John tungkol sa akin, tapos nakikita ko yung mga picture namin dun naiyak na ako,

“Inisip ko na I’m sure hindi siya magpo-propose, kasi months before he told me na hindi siya magpo-propose, sabi niya kung magpo-propose dapat walang makakaalam, dapat tayo lang,

“Yung entertainement press, yung media, yung mga tao dapat hindi nila malalaman dapat tayo lang dalawa, dapat secret,

“Kaya naka kondisyon yung mind ko na hindi siya magpo-propose, even nun nandun na, hindi ko talaga inisip,

“Tapos sumasayaw na siya , tapos sabi ko sa sarili ko, ito na talaga yun, kinunan ko pa siya ng video, nanginginig na ako,

“Tapos nung narinig ko yung song na ‘will you marry me’ dun ko naisip na baka magpo-propose na siya o baka nagti-trip lang ito, kasi sabi niya ‘wag sabihin sa ibang tao eh ang dami-dami ng tao dun,

“Wala akong maalala sa mga sinabi niya, actually nung sumasayaw siya, siya na lang ang nakikita ko wala ng iba pa, parang feeling ko ako na lang ay siya ang tao doon,

“Sabi ko nga baka dream lang ito, baka paggising ko di totoo bad trip,

“Tapos nag sink in sa akin yung nangyari siguro mga 3 days pa,

“Paulit ulit ko pang pipanonood yung video kasi agad-agad may video ka na, sinasabi ko kay John na nangyari ba talaga ito ? It was worthy sobra sobra,” pagtatapos nito.

Follow me…

social networkingJohn Fontanilla
iamjohnf

Leave a comment

Leave a Reply