
Sandy Talag, another great actress in the making; Stars in indie film, ‘Lilet Never Happened’
Masaya daw ang GMA Teenstar nasi Sandy Talag dahil patuloy na lumilibot sa iba’t-ibang bansa ang kanyang award-winning indie film na ‘Lilet Never Happened’.
Kuwento nga ito ng makausap ng Philippine Showbiz Philippines (PSR) sa Kapuso Foundation bloodletting last Saturday February 21, 2015 kung saan isa ito sa naging espesyal na panauhin.
“Nakakatuwa kasi after ko manalo ng two awards yung una sa Mexico Best Actress and then sa India and then meron na po akong 8 recognitions, sa Ani ng Dangal given by National Commission for Culture and Arts ,
“Dalawa pong recognition from Daily Inquirer, tapos dalawa namang recognition galing sa Bulacan since taga-Bulacan ako.
“And ngayon nga patuloy din siyang tinatangkilik sa iba’t-ibang bansa at binibigyang parangal,
“Iba yung feeling kasi hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong ma-nominate at hindi rin lahat nabibigyan ng pagkakataong manalo ng award,
“Kaya nga masasabi ko na suwerte at blessed ako sa pagkakapanalo ko,
“Sana magkaroon ulit ako ng ganung klaseng pelikula at role na magbibigay ng karangalan muli sa ating bansa.”
Latest projects
“Right now kasama po ako sa ‘Wattpad Presents: Ex Ko ang Idol Nyo’ ng TV5. Pinayagan ako ng GMA na mag-guest sa TV5 kung saan bestfriend ako dito ni Marvelous Alejo,
“Tapos may nilulutong project sa akin ang GMA 7 na hindi ko pa puwedeng sabihin hangga’t hindi pa nagti-taping,
“Mahirap kasi na sabihin ko na tapos hindi matuloy nakakahiya, siguro oag sure na sure na yun lang yung time na puwede ko ng sabihin.”
Kontrabida role
“Okey lang naman sa akin, kasi kung doon ba ako tatanggapin ng mga tao, why not? As long as hindi naman sobrang evil bakit naman hindi,
“Ang mahalaga naman kasi yung may trabaho ka at hindi ka nababakante,
“Mahirap yata ang mawalan at mabakante sa trabaho, kaya kahit anong project ba ibigay sa akin okey lang,
“Alam ko naman kasi na hindi ako pababayaan ng GMA at bibigyan nila ako ng magagandang projects.”
Dreaming of having a permanent love team
“Sana mabigyan ulit kami ni Renz ng project na magkasama, kasi nag click naman yung loveteam namin sa Nino,
“Iba kasi ‘pag may permanent love team ka, kasi nagkakatutulungan kayo,
“And sa age namin yun yung uso, kaya dream ko talaga na magkaroon ng sariling ka-love team, yung magiging permanenteng ka-love team ko.”
“Puwede din si JM Reyes kasi pareho kaming galing sa ‘Starstruck Kids’ at magkaibigan kami at mga magulang namin,
Wish
“Ang wish ko sana continous ang dating ng projects sa akin, tapos humakot pa ng humakot ng awards ha ha ha,
“Gusto ko pang gumawa ng mga indie film na may advocacy at gusto ko ring makagawa ng teleserye na very challenging yung role,
“Like yung baliw na epileptic , para sa akin yun yung napakahirap gawin,
“Kasi hindi ka lang dun baliw-baliwan kung hindi bawat pitik ng katawan mo kailangan maging effective ka na meron kang epilepsy,
“And sana mapanood ng buong mundo ang indie film naming ‘Lilet Never Happened’,” ani Sandy.
Follow me…