May 23, 2025
Referring to her love scene with Paolo Avelino, Carmina says, “I’m sure they will understand.”
Latest Articles T.V.

Referring to her love scene with Paolo Avelino, Carmina says, “I’m sure they will understand.”

Feb 27, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

maria Kasama si Carmina Villaroel sa bagong serye ng ABS-CBN 2 na ‘Bridges of Love’ na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Maja Salvador. Gumaganap siya rito bilang si Alexa bilang lover ni Paulo Avelino.

Sa nasabing serye ay may love scene si Carmina with Paulo. Ayon kay Carmina, nung una ay talagang ninerbyos daw siya nung malaman niyang magkakaroon sila ng love scene ni Paulo na nakunan na sa first-taping day pa lang nila.

“Oo first day that’s why kinailangan ko siguro ng one year rest for this project kasi kinailangan ko ng motivations and because it’s really something different.

“Ang tagal ko na sa industriya na ‘to but this is the role na talagang kinabahan ako kasi kung kailan naman ako nagkaroon ng dalawang supling saka pa nangyari ito,” ang natatawang sabi ni Carmina

022515-carousel4

Kung pumayag man daw si Carmina na magkaroon ng love scene kay Paulo, alam naman daw niya na hindi ‘yun magiging big deal sa kanyang mister na si Zoren Legaspi at sa kambal nila dahil naiintindihan naman daw ng mga ito na parte lang ng trabaho niya bilang isang artista ang ginawa niya.

“Oo trabaho lang naman so hindi naman kailangan mag-react ng ganito at sa mga anak ko naman huwag na lang nila panoorin but they know naman na it’s part of my work, di naman sa gusto ko mangyari ito, kinailangan lang and hindi lang sa masabi na mag-kiss kayo diyan at magpakita ng skin.

“I’m very honest naman with my kids and I’m sure they will understand pero di na nila kailangan panoorin.”

Kahit daring this time ang role ni Carmina, nagpapasalamat pa rin siya na siya ang napili ng ABS-CBN para sa role na Alexa.

“You know I’m very thankful because ako ‘yung nais nila to portray Alexa so nakaka-feeling bagets. This is really different because this time I’m not a mommy,” aniya pa

maxresdefault

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply