
Viewers have found themselves unexpectedly engrossed on Erich Gonzales’ effective role-playing as ‘Janine’ in ‘Two Wives’
Nalalapit na ang pagtatapos ng top-rating drama series ng ABS-CBN 2 na ‘Two Wives’ na pinagbibidahan nina Jayson Abalos, Kaye Abad at Erich Gonzales.
Ayon kay Erich, mixed emotions ang nararamdaman niya sa pagtatapos ng kanilang serye na gumaganap siya rito bilang si Janine na kabit ni Jayson.
“Malungkot din pero masaya na magtatapos ang show na happy ang management sa outcome at talagang sinuportahan ito ng mga manonood,” sabi ni Erich sa panayam sa kanya ng Philippine Showbiz Republic (PSR).
Masasabi ni Erich na espesyal para sa kanya ang ‘Two Wives’ dahil first time niyang gumanap bilang bida-kontrabida sa isang serye.
“First time kong gumanap ng bida-kontrabida at masasabi ko napaka-challenging ng role ni Janine para sa akin dahil ang daming hugot sa buhay, ang dami niyang angst.
“Kasi nung una tahimik lang siya, tapos biglang sumabog, naging palaban. So sa akin mahirap siyang gawin and dumating sa punto na grabe yung mga manunuod, sobra silang affected sa impact ni Janine sa buhay nila.
“Siguro madami talagang na-Janine in real life kaya madaming nakaka-relate?” natatawang sabi pa ni Erich
Dahil sikat ang ‘Two Wives’ kaya sikat din ang karakter ni Erich bilang si Janine. Naging paborito siyang topic sa mga networking site. Marami ang nagagalit kay Erich na umabot pa sa puntong nakatanggap siya ng pagbabanta sa kanyang buhay.
“Every night trending si Janine grabe. Hindi na ako lumalabas ng bahay!
“Dumating ako sa point na ‘yung Instagram ko ngayon, naka-private na kasi nakaka-receive ako ng mga threats, minumura ako,
“Private na siya kasi hindi natin maiiwasan na sobra yung pagkadala ng mga nanunuod. Akala nila ‘yung napapnood nila totong buhay kaya sobra silang affected.”
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente