
Luis Alandy replaces Derek Ramsay in “Mandirigma”
by Eric L. Borromeo
Si Luis Alandy na ang ipinalit kay Derek Ramsay sa indie movie na ‘Mandirigma’, ang ikalawang project ng multi-awarded journalist na si Arlyn dela Cruz. “Medyo nagmamadali na kasi ang producer namin, kaya hindi na rin namin mahihintay ‘yung schedule ni Derek.
Ang target playdate kasi namin ay April 9, (sa) Araw ng Kagitingan,” paliwanag ni Direk Arlyn sa press launch ng Starquest Alliance Production Inc,, ang co-producer ng Blank Pages Production ni Arlyn last February 24.
Aniya pa, “Medyo na-delay na nga ito, supposedly last year pa namin ito sinimulan, pero hinintay namin ‘yung availability ni Derek, pero masyado siyang busy, kaya we decided na kunin na namin si Luis.”
Ang ‘Mandirigma’ ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng Philippine Marines. Kaya muling diin ni Direk Arlyn, “Hindi ito tungkol sa Mamasapano, sa SAF (Special Action Force), o sa Fallen 44.
Mga marines ito, ‘yun naman ay mga PNP (Philippine National Police). Pero kung sakaling maalala nila ang trahedya sa Maguindanao dahil sa pelikulang ito, ‘yun ay nagkataon lang. Kaya iniaalay din namin ang pelikulang ito sa kanila.”
Bakit si Luis ang napiling ipalit kay Derek considering na mas malaking artista ang huli lalo na’t kagagaling lang nito sa isang box-office na pelikula, ang ‘English Only Please’ kunsaan naging Best Actor pa siya.
“This is an ensemble cast, so it’s not really a matter kung sino ang angat. The story is not about a person, but the entire Philippine Marines, based on real events about the Philippine Marines. Hindi na ‘yung star factor ang naging consideration namin but an ensemble cast,” paliwanag ni Direk Arlyn.
Kasama rin sa cast ng Mandirigma sina Ping Medina, Ken Anderson, Jericho Ejercito, Marc Solis, Victor Basa, Carlo Cruz, Maria Isabel Lopez at Mon Confiado.
Critically-acclaimed ang debut film ni Direk Arlyn na ‘Maratabat: Pride And Honor’ na pinagbidahan ni Ping Medina. Ito ay nominated din na Indie Movie Of The Year at Indie Movie Director naman para kay Direk Arlyn sa 31st PMPC Star Awards For Movies sa March 8 na gaganapin sa The Theater @ Solaire.