May 24, 2025
Sef Cadayona is groomed to be the GMA’s comedy flag bearer
Latest Articles T.V.

Sef Cadayona is groomed to be the GMA’s comedy flag bearer

Mar 1, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

sef 02 May bagong show si Sef Cagayona sa GMA 7. Ito ay ang ‘Sabado Badooo’ na sobrang exciting daw ang tema.

“It’s a show tungkol sa pagbabalik sa mga nakaraan at dating mga in na in sa mga tao noon,” kuwento nga niya nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa Sunday All Stars noong Linggo, February 22.

“’Yung tungkol sa mga what’s in… what’s hot noong panahon nila o sasabihin nilang sobrang cool. Pero pagdating ngayon… nakakatawa siya.

“So magpi-fetaure kami ng mga video, ‘yong mga gamit at technology. Lahat iyon ni-research namin at kinuha namin sa mga baul.

“And iyon ang ipapakita namin. At saka ‘yong the best times ng mga artista at pati na rin ‘yong mga worst and best dressed noong mga panahon na iyon.

“Tandem kami dito ni Kuya Betong. Ang tawag sa amin, since ako si Sef at siya si Betong… Setong!” sabay tawa niya.

Sef 01Mga segments daw sa nasabing show na animo’y mga stand upper sila in different characters.

“Marami kaming characters na gagawin. Jam-packed ‘yon.

“We’re gonna add characters sa show namin. ‘Yong mga throwback at mga tienes-tienes.

“Puwede sigurong dalhin namin din doon ang character ko na si Selfie (sa segment na ‘Ikaw At Ang Ina’ sa Bubble Gang). O kahit ‘yong Antonietta character din ni Betong.

“Pero sa ngayon, mas gusto nga namin na mag-experiment sa mga bagong character.

“Tapos may mga mananalo rin sa mga pakulo namin. Kumbaga sa best five na mga artista halimbawa, sila ‘yong magi-guest sa show namin.

“So this show will be very exciting talaga. It’s something new.

“Siyempre masaya ako sa pagsasama namin ni Betong sa show na ito. At the same time, kinakabahan din.

“E nag-boost ng confidence sa akin ang GMA na bigyan ako ng new show. Kailangang panindigan ko ito talaga.

“So… ‘yon! All is good, I’m thankful that I’m busy.”

Talagang pinaninindigan na na niya ang pananalo bilang Best Comedy Actor for Bubble Gang sa PMPC Star Awards For Television last year. Na kahit sa paghu-host ng bago nilang show ni Betong ay magpapatawa pa rin siya.

“Siyempre!” tawa niya ulit.

“Oo naman! Oo naman.

“At magandang salubong nga ito sa taong 2015 kasi… may bago.”

Dahil sa comedy talaga siya nalilinya ngayon, tila malabo yata na subukan din niyang sumalang sa mga serious roles gaya sa isang episode ng drama anthology o isang pelikula.

“Hindi naman malabo. Pero as of now kasi, ang mata at utak ko… nasa comedy lang, e.

“Kasi siyempre, ito ang gusto kong linya, e. Siguro kung magsi-serious roles ako… saka na.

“Pero as of now na masayang-masaya ako sa ginagawa ko, dito muna ako.”

Parang siya na ang bagong magiging flag bearer ng GMA pagdating sa comedy. Ano sa palagay niya?

“Siguro ano… kasi kung mapapansin ninyo, ako ang pinakabata sa mga comedian sa GMA.

“Techincally ako ang pinakabata. Sumunod lang sa akin si Betong!” natawang biro niya ulit.

Iba rin kasi ang brand of comedy niya. Tatak Sef Cadayona lang talaga at hindi maihahalintulad sa iba ang mga patawa niya mapa-gay character man o anuman.

“Oo. Iba.

“Kasi ang pinaka-tinatarget ko talaga whe it comes to comedy is… the kids and the moms. Because sila ‘yong laging nanonood ng TV.”

Noong contestant pa lang siya sa Starstruck, ang unang napansin ay ang husay niya sa pagsayaw. Kaya nagulat na lang ang marami na no’ng tuluyan na siyang nagt-artsita ay magaling din pala siyang komedyante.

“Pero eversince, kahit sa Starstruck… nagpapatawa na akong madalas.”

Leave a comment

Leave a Reply