
Dionne Monsanto stars at Sinag Maynila Film Festival entry, ‘Swap’
True-blooded Cebuana actress si Dionne Monsanto at kung meron man siyang ardent dream, ito ay ang ma-revive ang Cebuano film industry.
Nanalo siya ng best actress at best supporting actress awards sa Nabunturan filmfest sa Mindanao para sa isang Cebuano short.
Una siyang nakilala sa Pinoy Big Brother noong 2007. Nag-cameo na rin siya sa iba’t-ibang pelikula tulad ng ‘When Love Begins’, ‘Torotot’, ‘Sa’yo Lamang’, ‘The Healing’, ‘Suddenly It’s Magic’ at marami pang iba.
Currently, nasa cast siya ng Kapamilya teleserye na ‘Flor de Liza’.
Pero, ang biggest break niya ay ang kanyang lead role sa ‘Swap’, an entry to the Sinag Maynila Film Festival na gaganapin simula Marso 18 hanggang 24 sa SM Cinemas.
Paano ka napili sa lead role sa ‘Swap’?
“Nag-audition ako. Si Matt (Daclan) na nanalo as best actor sa CinemaOne Originals last year sa ‘Soap Opera’, siya ang nag-encourage sa akin. Kakilala ko siya at pati na iyong director naming si Remton na pinapanood ko ang mga pelikula”.
Ano ang role mo rito sa ‘Swap’?
“Ako iyong asawa ni Matt at ina noong batang kinidnap. Tapos, iyong kidnappers, nakipag-deal kay Matt na isasauli iyong anak namin kung kikidnapin niya iyong bata from a rich family. Kaya, ‘Swap’ ang title”.
Saan mo hinugot ang inspirasyon mo para epektibo mong magampanan ang role mo rito?
“Base ito sa real-life story na nangyari sa Cebu noong ‘80s . Bale, may real-life encounter kami doon sa mga character na involved. Si Matt had a conversation doon sa dad ng bata na main protagonist dito. Ako naman, I was able to interview iyong wife at mother noong kid.”
Paano ito nakatulong para ma-internalize mo ang iyong karakter?
“It’s basically difficult kasi habang ini-interview ko siya, damang-dama ko iyong paghihirap niya kasi parang nire-relive ko iyong trauma niya sa nangyaring krimen.”
Bukod kay Matt Daclan na naka-tie ni Sandino Martin sa best actor award sa pelikulang ‘Soap Opera’ sa CinemaOne Originals last year, kabituin din ni Dionne ang veteran character actor na si Mon Confiado na gumaganap bilang police investigator sa pelikula.
Maliban sa ‘Swap’, nakasama na rin ni Dionne si Donito “Flash” Donaire at ang queen of Visayan movies na si Ms. Gloria Sevilla sa Visayan film na ‘Ang Palad Ta’ na malugod na tinanggap ng mga Cebuano nang ipalabas ito sa Visayas.
Ang ‘Swap’ na mula sa direksyon ng pinakabatang Urian award-winning director na si Remton Siega Zuasola ng ‘Ang Damgo ni Eleuteria’ ay nagtatampok rin kina Publio Briones, Ramon Bagatsing, Jesus Mendoza, Genica Ines Mijares, Charisse Mari Fonacier, Natileigh Sitoy, Maria Cristina Mondragon, Eli Razo at Ronyel Compra.
Follow me…