May 23, 2025
“I may be the second or third choice in every role but what’s important is, I prove to them that they made the right choice.” – Maja Salvador
T.V.

“I may be the second or third choice in every role but what’s important is, I prove to them that they made the right choice.” – Maja Salvador

Mar 3, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

Si Maja Salvador ang bidang babae sa bagong serye ng ABS-CBN 2 na ‘Bridges of Love’. Dalawa ang kapareha niya rito, sina Jericho Rosales at Paulo Avelino. Sa nasabing serye ay gumaganap siya rito bilang si Mia Sandoval na star dancer sa isang club. First time ni Maja sa ganitong klase ng role na ayon sa kanya ay maituturing niyang challenging.

10982437_1043071599045968_6129659886918161520_n

8202248605_8d8b8ce973_z“Actually nakakatakot po (yung role), pero ‘yung takot na ‘yun parang nai-excite rin ako kasi eto ‘yung pinaka-daring na binigay sa akin. And ganoon naman po ‘yung gusto ko na mga character na ginagawa ko, ‘yung na cha-challenge talaga ako kasi paano ko nga ba bibigyang buhay ‘yung character na Mia Sandoval? ‘Yung nakita ninyo sa trailer, kahit na star dancer siya, ano ang nasa likod ng istorya ni Mia, bakit ninyo siya mamahalin?” sabi ni Maja nang makausap siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa presscon ng ‘Bridges of Love’.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Maja si Jericho sa isang serye. Una silang nagkasama sa ‘Legal Wife’ with Angel Locsin, na gumanap siya rito bilang mistress ni Jericho.

Ano ang bagong nadiskubre niya kay Jericho pagdating sa pag-arte sa muli nilang pagsasama sa isang serye?

“Mas napapatunayan sa akin ni Mr. Jericho Rosales na magaling siyang artista talaga.

“Kasi nung si Adrian siya sa ‘Legal Wife’, siyempre namamangha na ako kung paano siyang umarte.  Dito iba naman ‘yung pinapakita niya.

“So yun nga, mas namamangha, mas gumagrabe ‘yung paghanga ko sa kanya bilang isang artista dahil alam niyang aralin kung ano ‘yung mga bagong karakter na binibigay sa kanya. At nababago-bago niya talaga,”

First time namang nakapareha ni Maja si Paulo.

“Si Paulo nagkasama kami sa pelikulang ‘Status..It’s Complicated’ pero hindi kami magkapareha roon. Dito first time naming nagkapareha.

“So, excited ako ru’n sa kung ano ba ang puwede naming i-offer dalawa ni Paulo. Ano ‘yung bagong parang ibibigay sa akin na lesson ni Paulo sa pagiging isang artista.

“Di ba bawat artista naman, may makukuha’t may makukuhang lesson, na mayroon kang parang matututunan du’n sa artistang kasama mo?”

Hindi si Maja ang first choice para sa role niya sa ‘Bridges of Love’ kundi si Anne Curtis. Pero hindi big deal ‘yun para sa kanya.

“Okey lang po kasi ganoon naman lahat, eh.

“Actually sa lahat ng ginawa ko, second choice o kaya third choice ako. Pero ang importante naman dun e, sa akin napunta ‘yung role. At saka hindi ako nagkakamali sa pagpili at pagtanggap ng role.”

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply