
“I have to say truthfully that I see big change. Everyone is on time and they internalized their lines.” – Edu comments on his teleserye taping, ‘Bridges of Love’
by Rommel Placente
Pagkatapos umalis sa ABS-CBN 2 para lumipat sa TV5, ngayon ay balik-Kapamilya network si Edu Manzano. Kasama siya sa bagong serye nito, ang ‘Bridges of Love’, na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Paulo Avelino at Maja Salvador. Gumaganap siya rito bilang si Lorenzo Antonio na isang mayamang negosyante.
Puring-puri ni Edu ang co-actors niya sa ‘Bridges of Love’.
“I have to say truthfully that ang laki ng nakita kong pagbabago mula nung huli akong gumawa ng teleserye at ngayon. Lahat dumarating sa set on time, lahat alam ‘yung lines nila. So hindi magiging effort masyado ang aming taping days in the sense na alam mo na kung ano ‘yung hinahanap sa ‘yo ng ‘yong director at konting mga fine cuing lang. Eveything goes smoothly. Kapag nakita mo ‘yung dedikasyon at ‘yung interes ng artista sa telserye, lalong nakakadagdag dun sa ‘yong enthusiasm na to do a good job,” sabi ni Edu.
Since ‘Bridges of Love’ ang title ng kanilang serye, nasubukan na ba niyang maging isang tulay sa ngalan ng pag-ibig?
“Many times,” sagot ni Edu.
Pero ayaw nang magbanggit o magbigay ng pangalan si Edu kung kanino siya naging tulay.
“I think it would be unfair dun sa mga kung kanino ako naging tulay.
“Minsan kasi nangyayari na dalawang tao naging malapit sa ‘yo and you find yourself sometimes unknowingly playing that role (tulay).”
Ngayong balik-ABS-CBN 2 siya, anong feeling na nakita niya na ulit ang mga Kapamilya niya rati na ngayon ay Kapamilya niya na ulit?
“Bilang lahat tayo may mga role sa buhay. Pero ako tanggap ko na kung ano ang mga role ko ngayon.
“Actually, second choice lang ako rito (Bridges of Love). Ang unang choice po si Piolo (Pascual). Kaya lang hindi nagustuhan ‘yung akting so ako yung kinuha,” biro pa ni Edu.
Pero bawi ni Edu na seryoso na sa kanyang sagot, “Hindi! Alam ninyo nung time na nasa Kapmilya network ako, I was very very happy.
“You know, ang daming break na binigay sa akin. Nakagawa ako ng mga programa na talagang enjoy na enjoy ako. I gained a lot of friends. A lot of people here became a second part of my life.
“So kahit nawala ako, I never actually physically left Kapamilya. I would always be here, you know, nanatili pa rin akong kaibigan.
“Unknowing sa inyo, 1986 nung unang naibalik ang istayon, nandito na ako agad. Ang ganda-ganda ng aking memories, eh. So, you know, I hope to be able to be part of the network for a long long time.”
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente