May 23, 2025
“His condition is definitely not improving but deteriorating.” – Atty. Fortun
Latest Articles

“His condition is definitely not improving but deteriorating.” – Atty. Fortun

Mar 4, 2015

by Eric L. Borromeo

Nakatakda ngayong araw na magpa-CT scan si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla dahil, ayon na rin mismo sa spokesperson ng pamilya na si Atty. Raymund Fortun, lumulubha ang kalagayan ng actor/politician dahil sa sugat na tinamo sa tama ng bala ng baril nung Sabado.

320_2015_03_02_17_09_37
© Office of Sen. Bong Revilla

“His condition is definitely not improving but deteriorating,” sabi pa ni Atty. Fortun.

May hematoma raw si Jolo sa kanang baga at posible rin daw itong magka-penumonia. May mga senyales din daw na may impeksyon ito sa loob ng katawan. Lumobo rin daw ang tiyan nito at bumaligtad pa ang pusod.

Sa ngayon ay nasa isang private room na si Jolo para raw mas ma-accommodate ang mga kaibigan na gustong makita at mabisita ang actor/politician.

Kahapon ay pinayagan ng Sandiganbayan na mabisita ni Sen. Bong Revilla ang anak. Naging emotional ang pagkikita ng mag-ama at sa kuwento ni Atty. Fortun, nang magyakap daw ang dalawa, panay ang hingi ng ‘sorry’ ni Jolo sa Senador.

Si Sen. Revilla ay naka-detain sa PNP Custodial Center dahil sa pagkakasangkot sa Pork Barrel Scam.

Sa inilabas na statement ni Atty. Fortun, aksidente raw ang pagkakabaril ni Jolo sa sarili habang nililinis nito ang kanyang baril sa kanilang tahanan sa Alabang.

Leave a comment

Leave a Reply