
Geoff Eigenmann on the issue of falling in love again: “I guess you can say I’m ready.”
Matagal-tagal na rin ang panahong dumaan mula nang mag-break sila ni Carla Abellana pero until now, wala pa ring bagong special someone si Geoff Eigenman. Marami tuloy ang nagtatanong kung talaga bang choice niya na maging single nga muna.
“Ako naman eversince, I was not ‘yong nanliligaw talaga na fall on. Na… go on dates and stuff like that,” sabi ng aktor.
“Ako, I just do my thing. If people enjoy my company then we can tangle out. I don’t force things.”
Pero sa palagay ba niya, ready na ulit siyang magmahal kung sakaling may dumating na pasado for him na maging girlfriend?
“I guess you can say I’m ready. If there really is such a thing as being ready to get into a relationship.
“Pero ako, ano naman… I’m just enjoying the company of others. And if they want to stay and spend time with me, then why not?
“I won’t stop them,” sabay ngiting sabi pa ng aktor.
But somehow, he learned lessons nga marahil do’n sa heartbreak na idinulot ng split nila ng dating girlfriend niyang si Carla Abellana. Meron ba siyang mga bagay na iiwasan the next time na magkaroon ulit siya ng karelasyon?
“Mahirap naman ‘yong mga iwas-iwas na ‘yan. Pero syempre with any relationship naman as much as possible… ako, I try to know that person more.
“Kasi for me, mas maganda talaga kung ‘yong foundation ninyo is friendship first. Because when you start out as friends, wala kayong pretentions with each other.
“Wala kayong itinatago. And everything is all out.”
“When you know everything about that person and you jump into relationship with that someone, hindi na kayo magkakagulatan basically kasi kilala mo na siya.
“So ang mahirap, kapag nanligaw ka sa taong hindi mo kilala… when things unfold e nagkkagulatan kayo. Kasi hindi mo ini-expect na gano’n pala siya.”
‘Yon bang nangyari sa kanila ni Carla, nagsimula sa friendship lang muna?
“I can say we’re friends first. Kasi matagal naman bago naging kami.
“But… it’s all in the past.”
So gano’n pa rin nga talaga ang gusto niya na friendship muna bago humantong sa relationship?
“Gano’n pa rin, siyempre. Dapat strong foundation kaya gano’n pa rin.
“But syempre the longer friendship… the better, I suppose.”
Sa ngayon, gusto raw munang mag-focus ni Geoff sa trabaho. At masaya raw siya dahil sa nakukuhang magagandang feedback mula sa televiewers ng tinatampukan niyang soap sa GMA 7 na ‘Kailan Tama Ang Mali?’. Kasama niya rito sina Max Collins, Enpress Shuck, at Dion Ignacio.